"Pero, babalik din ako ng school, mga second semester ng susunod na taon. Kinapos lamang talaga ako ng panahon sapagkat lubhang bigla ang pagdating ng maraming offers na sinasamantala ko sapagkat kailangan naming mapunan ang marami naming pangangailangan sa buhay. Unti-unti na namang nababawasan ang mga problema namin," paliwanag niya sa isang recent talk.
She has just come back from a two-week singing commitment from Japan. Bukod sa mga 2 hanggang 3 shows a day ay nagawa niyang ma-enjoy ang Disneyland. "At saka napaka-appreciative ng mga tao run. Parang gustung-gusto nila ang pagkanta ko," pagmamalaki niya. Ipinakita pa niya ang white gold na singsing na ibinigay nila sa kanya bilang regalo. "May relo rin," dagdag pa niya.
Aalis na naman siya sa Nob. 29 kasama ang Bubble Gang para sa isang serye ng pagtatanghal sa LA (Dis. 1), SF (Dis. 8) at Hawaii (Dis. 9). Babalik siya ng Dis. 11 pero, aalis din siya agad para sa isang show sa Hongkong sa Dis. 16.
Bago siya umalis ay isisingit niya ang Aizas Live na magaganap sa Dis. 15 sa Bren Guiao Convention Center sa Pampanga. Excited siya rito dahil makakasama niya ang mga schoolmates and classmates niya sa OB Montessori.
Magpa-Pasko ba siya sa US?
"Gusto ni Mommy pero, ayaw ko. Siguro kung nandun lahat ng mahal ko sa buhay. Ayaw ko ng white Christmas. No amount of snow can compensate for the loneliness that I will feel na hindi kasama ang mga loved ones ko," sabi niya.
May naihabol ding album para sa kanya ang Vicor Music Corp. na pinamagatang "ChristmaSing With Aiza" na nagtatampok sa mga awiting "Pasko Na Sinta Ko", "O Holy Night", "Miss Kita Kung Christmas", "Christmas Medley","Give Love On Christmas Day", "Have Yourself A Merry Little Christmas", "The Christmas Song" at ang lahat ng minus ones ng mga awiting ito.
Bale regalo ito ng Vicor sa mga fans ni Aiza kaya mas mababa ang halaga ng cassette sa P100 at P180 para sa CD.
May mga kasama pa itong calendar scrapbook para sa CD at poster para sa cassette.
Kamakailan ay binigyan din ng Vicor si Aiza ng quintuple record award para sa "Pagdating Ng Panahon".
Magsisimula ang libreng concert sa ika-7 sa stage area pagkatapos ng formal opening sa ika-4 n.h. Si Mayor Peewee Trinidad ng Pasay City ang puputol ng ceremonial ribbon kasama ang 19 finalists ng Bb. Pasay.