"No comment ako, Tita," aniya. "Mabuti pa, si Troy na lang ang tanungin ninyo".
May pitong buwan ding tumagal ang relasyon nina Nikki at Troy na nagsimula nung March ng taong kasalukuyan. Kung hindi kami nagkakamali, first week of November naman nangyari ang kanilang paghihiwalay.
Pero sa kabila ng kanilang break-up, life goes on with Nikki. Katunayan, pinaghahandaan niya ngayon ang kanyang concert sa Music Museum na pinamagatang Nikki: Beyond Limits, isang fund-raising concert na ang proceeds ay gagamitin sa pagpapagawa ng Shrine sa may Amadeo, Cavite. Dito ay makakasama ng singer-actress sina Marco Sison at JM Rodriguez bilang special guests kasama ang Project Band.
Very confident ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde na tatangkilikin ng mga manonood ang bagong starrer ni Gloria dahil bukod sa horror, isa itong family drama na nilagyan ng special effects mula sa direksyon ni Uro dela Cruz.
Bukod kay Gloria, tampok din sa Bahay ni Lola sina Gina Alajar, Manilyn Reynes, Isabella, Maxene Magalona, James Blanco, Maybelline, Miko Sotto at ang nagbabalik-pelikula na si Aiza Seguera.
Ayon kay Gloria, naging memorable ang kanyang ika-67 birthday 16 and at the same time her 50th year in showbiz last year dahil sa tagumpay na hatid sa kanya ng Tanging Yaman na nagmuntik-muntikanang magbigay sa kanya ng grand slam win bilang best actress.
Ayon sa beteranang aktres, bago dumating ang pelikulang Tanging Yaman, hindi na umano siya naghahangad ng starring role dahil masaya na siya sa pagganap sa mga supporting roles.
"Tanging Yaman was the biggest and most memorable birthday and Christmas gift I ever had," pahayag ng dating movie queen.
Samantala, hindi ikinakaila ni Gloria ang kanyang kalungkutan sa nangyari sa kanyang kasamahan sa industriya at kaibigang si Nida Blanca at umaasa siya na sanay malutas na sa lalong madaling panahon ang kaso ng pagpatay sa kanyang kaibigan.