Mukhang pangangatawanan na ng
Royale Era Entertainment, ang production company na pag-aari ng
Gutierrez Family ang pagpu-produce ng mga concerts bukod pa sa pagpu-produce ng pelikula at telemovies. Era stands for
Eddie, Ruffa &
Annabelle. Last month, naging malaking tagumpay ang prinudyos na concert ng kumpanya, ang
The Way We Are which featured Asian Queen of Songs
Pilita Corrales and
Total Entertainer Rico J. Puno na ginanap sa Country Waffles in Greenhills, San Juan (na pag-aari ng mag-asawang
Bert and
Carol Nievera). Ito ang nagbunsod sa mag-anak na Gutierrez na muli itong sundan ng panibagong serye on December 7 and 8 (on same venue) na pinamagatang
Song & Laughter na tatampukan nina
Mitch Valdez at
Jessa Zaragoza (on Dec. 7) at
Dulce and
Allan K. (on Dec. 8). Both shows will have
Jinky Llamanzares, Yam Ledesma, Selina Sevilla at
Kristina Paner as special guests.
Ayon sa energetic mom ni
Ruffa na si Annabelle, darating si Ruffa on November 29 from Europe at siya na rin mismo ang maghu-host ng two-night show.
Slim ngayon si
Tina Paner at bumagay sa frame ng kanyang katawan at height. Although aktibo pa rin si Tina sa kanyang singing and acting career, she admits that her business is also keeping her busy. Lingid sa kaalaman ng marami, si Tina ay matagal-tagal na ring nagne-negosyo magmula nang siyay magsarili. Sa tulong ng kanyang business-friend na si
Rizza Tan, ang maliit na sari-sari store noon ni Tina ay isa na ngayong mini-mart na naghu-wholesale at retail ng mga grocery items. Nakuha na rin nina Tina at Rizza ang distributorship ng mga Universal Robina products in Quezon City na kanilang sinimulan sa P1-M na puhunan. Ngayon ay napalago na nila ito at meron na rin silang 12 staff at apat na delivery trucks.
"Kapag hindi ako busy sa aking showbiz career, ang negosyo namin ang hinahanap ko," aniya.
Kung maganda ang takbo ng kanilang negosyo, aminado si Tina na zero umano ang kanyang lovelife habang ang kanyang mga kapanabayan na sina
Manilyn Reynes at
Sheryl Cruz ay kapwa na may kanya-kanyang pamilya.
"Siguro, hindi ko pa lamang natatagpuan ang para sa akin," natatawa niyang tugon.
May gap na naman si Tina sa kanyang mommy na si
Daisy Romualdez pero umaasa siya na magkakaayos din sila sa hinaharap lalupat malapit nang sumapit ang Pasko.
Dulce, maligaya sa bagong pag-ibig |
Ibang-iba ang aura ngayon ng singer-belter na si
Dulce. May kinalaman kaya ito sa kanyang bagong love o dahil maganda na ang kanyang relasyon sa kanyang ex-husband na si
Danny Cruz?
"Actually, pareho," walang kagatul-gatol na tugon ni Dulce.
"Masaya ako sa piling ng second husband ko at sa baby namin at happy din ako sa magandang relasyon namin ngayon ng ex-husband kong si Danny at mga anak namin," pag-amin ng Cebuana singer.
"Sa maniwala kayot sa hindi, we were closer ni Danny kesa nung nagsasama pa kami. Dati kasi, wala kaming gaanong communication. Ngayon, mas open kami sa isat-isa at natutuwa naman ang mga bata dahil magkaibigang-magkaibigan kami ng kanilang daddy," kuwento sa amin ni Dulce.
Kahit ang stepson ni Dulce na si
Darwin Cruz ay very close din ngayon sa kanya at ibinalik na rin nito ang pagtawag sa kanya ng Mommy.
Dulces new husband is
Bernard Cruzata at may apat na taon na rin silang nagsasama at meron na silang isang three-year-old daughter.
"Ang nakakatuwa kay Bernard, very supportive siya sa akin at sa mga anak ko (kay Danny). Never siyang na-insecure sa mga anak ko at sa magandang pagkakaibigan namin ni Danny (na may sarili na ring pamilya)," aniya.