Sayang, ang ganda pa naman ng suot niya. At ang boses niya na narinig sa CD player ay hindi pahuhuli sa pamosong singer sa US na ginagaya niya. Kaya nga siya tinguriang Britney Spears ng Tokyo. Hindi rin siya pahuhuli sa ganda nito, at sa pagdadamit nito.
Apat na international recording outfits ang nag-alok sa kanya ng kontrata. Tinanggap niya ang MCA Universal dahil ito lamang ang pumayag na mag-concert siya sa Pilipinas para sa charity. Ang pangarap niya ay makakanta para sa mga bata na nagdaralita sa Asya, lalo na sa Pilipinas. Tatlong taon siyang tumira ng Pilipinas. Kahit na nakabase sa bansang Hapon, pabalik-balik siya ng bansa para kumanta sa mga depressed areas.
May konsyerto siya sa Linggo Nobyembre 25, sa Virgin Cafe Morato na naglalayong makalikom ng pondo para makapagpatayo siya ng isang bahay ampunan sa Muntinlupa City at isang iskwelahan para sa mga batang Pinoy sa Tokyo.
Ang konsyerto na pinamagatang Baby M Live In Manila ay tatampukan ng mga local talents gaya nina Ron Antonio, dating myembro ng Wise Guys at Jeana V. Producer si Toots Capulong at katulong sa produksyon ni Niccolo Sabiri Cosme.
Ang Side A Band ay binubuo nina Kelly Badon, Naldy Gonzales, Joey Generoso, Ernie Severino at Joey Benin.