Aga, Liezl di sinipot ang binyag ng anak ni Niño

Mukhang iisa ang taste sa babae ng mag-amang Lito at Mark Lapid. Pareho silang mahilig sa beauty queen.

"Nagkataon lang," sabay ngiti at depensa ng mag-ama sa presscon ng solo launching flick bilang action star ni Mark, ang Dugong Aso na dinirek ni Lito under Megabuilt Films.

Of course, everybody knows na nagkaroon noon ng love affair si Lito sa dating Miss International na si Melanie Marquez kung kanino siya may isang anak, si Manuelito (now 19 years old). At ito namang si Mark ay may Darlene Carbungco, ang reigning Mutya ng Pilipinas-Asia na kasintahan niya for almost three years now.

Kung susundan ang career path ni Mark, mukhang sinusundan niya ang mga yapak ng kanyang ama.

"Ang father ko ang aking number one idol," deklara ni Mark. "Lahat ng pelikula niya ay hindi ko pinalalagpas na panoorin at marami akong natututunan," aniya.

"Hindi ko inaasam na pantayan o lagpasan siya. Maabot ko lamang ang kalahati ng kanyang narating ay masaya na ako," ani Mark.

Siyempre pa, tuwang-tuwa si Mark sa todo suporta na ibinigay sa kanya ng kanyang ama. Bukod sa meron itong special participation sa pelikula (Dugong Aso), siya rin ang nagdirek at sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinagamit nito ang pangalang Lito Lapid bilang direktor.

Bukod kay Lito, si Mark ay suportado nina Kristine Hermosa, Ace Espinosa, Roi Vinzon, Perla Bautista, Jess Lapid, Jr., Sharmaine Santiago at Kathleen Cruz.
*****
Bongga ang ginanap na binyagan (dedication) sa first child ng mag-asawang Niño Muhlach at Edith Millare na si Allessandro Martinno (na may palayaw na A.M.) na ginanap sa Clubhouse ng Green Meadows last November 15 ng gabi with about 70 godparents na kinabibilangan nina presidential son and Pampanga vice governor Mikey Arroyo, QC vice-mayor Herbert Bautista, former Ambassador Roy Seneres, Gen. Efren Fernandez, Mrs. & Mrs. Ervin Mateo, Mr. & Mrs. Hong Dong Su, Mr. & Mrs. Joel Ngo, Sen. & Mrs. Francis Pangilinan, Mr. & Mrs. Romnick Sarmenta, Mr. & Mrs. Bong Revilla, Mr. & Mrs. Andrew Espiritu, Mr. & Mrs. Winnie Ty, Mr. & Mrs. Albert Martinez, Mr. & Mrs. Mark de Leon, Mr. & Mrs. Dennis Tonson, Mr. & Mrs. Ace Espinosa, Mr. & Mrs. Ian de Leon, Mr. & Mrs. Bobot Laciste, Kris Aquino, Judy Ann Santos, Dayle Chavez, Joy Viado, Atty. Linda Jimeno, Dang Cruz, Yam Ledesma, Natasia Nave, Hannah Villame, Jo Rayton, Iris Suason, Saudin Docdocil, Lilian dela Cuesta, Nona Belinda Medina, Emma Villanos, Nikka Valencia, Cherry Millare, Sheryl Millare, Dra. Myrna Lucero, Kenneth Uy, Richard de Leon, Efren Reyes, Kendrick Ting, Jay Navarro, Atty. Tony Cope, Dondon Monteverde, Marion Mancego, Ronald Gan, Leonard Obal, Earl Ignacio, Ramil Vitug, Keempee de Leon, Lloyd Umali, Walden Belen, Dave Santos, Jethro Ramirez, Philip Chua at ang inyong lingkod.

Although hindi lahat dumating ang mga ninong at ninang, napuno pa rin ang Clubhouse ng mga bisita ng mag-asawang Onin at Edith. Si Pastor Art Dumdum ang nagsagawa ng Christian dedication (binyag) kay A.M. na gulat na gulat marahil sa rami ng tao at ilaw sa paligid. Hindi nakarating ang mga pinsan ni Onin na sina Aga at Liezl gayundin ang kanyang tiyahing si Amalia Fuentes (who was in Europe that time), naroon naman ang pamilya ng father ni Onin na si Alex Muhlach, ang tiyuhin niyang si Cheng Muhlach (father of Aga).

Aside from the good food, na-mesmerize kami sa presentation ng Handiworks na talaga namang pinalakpakan nang husto ng mga bisitang dumalo.

Samantala, kitang-kita namin ang pagiging responsible ngayon ni Onin bilang asawa ni Edith at ama ni A.M. Mukhang isinantabi na nito ang kanyang pabling image magmula nang magkaroon siya ng sariling pamilya.

Si Onin ang katuwang ngayon ng kanyang amang si Alex sa pagpapatakbo ng kanilang sariling Megamelt Bakeshop at iba pang negosyo.

Show comments