Bagaman at sa Japan nakapag-establish ng career si Baby M, madalas siyang naririto sa bansa na itinuturing niyang ikalawang tahanan. Tumira siya rito ng mahigit sa tatlong taon.
Ang konsyerto ay gagawin ni Baby M para makapagpatayo ng isang iskwelahan para sa batang Pinoy sa Tokyo. Gusto rin niyang mag-establish ng isang orphanage sa Muntinlupa City at isa pa rin sa pinoproblema niya ay ang poor children of the movie industry.
Bukod sa concert, magpalabas ng isang mini-fashion show para sa bata. Tampok ang disenyo ni Naomi Dizon.