Heard na madalas na magkasama ngayon sina Paolo at Jodi (na kaka-break lang sa boyfriend nitong si Baron Geisler) sa mga lakaran. Plus yung constant togetherness nila sa Pangako Sa Yo kung saan sila ang madalas magka-eksena. Idagdag pa ang programang Tabing Ilog na magkasama rin sila. Break na rin kaya si Jodi at ang napabalitang boyfriend nito na anak ng controversial politician?
Understandable naman kung matuon ang atensyon ni Paolo kay Jodi. Mahirap ang sitwasyon niya. Hanggang kailan siya maghihintay sa pagdating ng girlfriend na walang kasiguruhan kung kailan babalik.
Kung ano ang idinidikta ng puso mo, yun ang sundin mo Paolo!
First stop nila sa SM Cebu para mag-autograph signing ng newly-released album under Star Records at ng The Hunks Shirts. Kinagabihan ay ang show na nila sa Jiggys Bar. Bukod sa regular repertoire nila, kakantahin din ng Hunks ang bago nilang single, ang "Darating Ka Pala" na ni-launch sa ASAP nong Sunday. Ang team nina Moy Ortiz, Edith at Margot Gallardo ang nag-compose ng nasabing song.
Performers din ang Hunks sa Advertising Congress na sa Cebu rin magaganap.
Para sa ticket reservations sa show sa Jiggys Bar, puwede kayong tumawag sa (032) 232-6888.
Mismong ang direktor ng movie na si Marilou Diaz-Abaya ang nakipag-meeting with the top guns ng Star Cinema at ABS-CBN para masigurong ma-promote ng tama ang movie. We heard na nakakaloka sa ganda ang movie at magi-iwan ito ng tatak sa pusot isipan ng bawat Pilipino.
Ang Bagong Buwan ay pinagbibidahan ni Cesar Montano kasama sina Jericho Rosales, Jodi Santamaria, Carlo Aquino, Jiro Manio at marami pang iba.