Regine, nagbabala sa SOP, aalis kung tatanggalin si Cacai
November 20, 2001 | 12:00am
May bago na raw title ang Asias Songbird na si Regine Velasquez - the new package deal queen?
Kung politician daw si Regine, siguro ay na-impeach na dahil sa nepotism. Balitang-balita kasi na balak na talagang tanggalin ang kapatid niyang si Cacai sa SOP dahil sa ito lang ang miscast sa mga host. Pero nagbabala raw si Regine sa management na kapag inalis ang kapatid niya ay aalis din siya.
Ilang beses din nga naming napanood ang SOP at mukha talagang si Cacai ang naiiba sa mga host. Bukod sa pagiging taklesa at malakas ang dating ay trying hard ang paglilinya niya ng sarili kina Janno, Ogie, Lani at Jaya. Marami na ring nakakapuna na si Cacai ang nagpapababa ng market value ng show dahil hindi siya makasakay sa kilos ng ibang co-host. Marami tuloy sa mga kaibigan natin ang biglaang nililipat ang channel kapag nakikita na si Cacai.
Minsan ay na-interview si Regine at sinabi niyang nauna si Cacai sa SOP at hindi totoong siya ang nagpasok nito sa show. Pero ayon na rin sa kanilang amang si Mang Gerry, sabay na inalok ang magkapatid at si Cacai lang ang nauna dahil sa marami pang mga commitments nung mga panahong iyon si Regine. Siguro ay strategy lang ito ni Regine na kapag nakapasok na ang kapatid ay saka siya sasagot ng oo, di ba?
Isa pa raw itong si Raul Mitra na asawa ni Cacai. Pagkatapos niyang maging chorus member sa Miss Saigon sa Germany ay bumalik ito sa Pilipinas, iniwan ang magandang nobya na si Imelda delos Reyes at pinakasalan si Cacai. Ngayon, siya na ang musical director ni Regine sa kanyang mga shows at pati na raw sa mga pelikula ni Regine ay naka-package deal na rin si Raul bilang film scorer.
Usap-usapan nga, may alam naman si Raul sa musika pero hindi naman ito kagalingan. Hilaw po raw talaga kung magiging objective tayo sa pag-assess sa kanya. Naging katawa-tawa na raw si Raul nang tinanghal na Best Musical Scorer sa nakaraang Star Awards for Movies nung summer kahit ni isa ay hindi man lamang ito na-nominate sa ibang award giving bodies? We even overheard nung awards night from Cacai na ayaw pa raw umattend itong si Raul kaya lang ang sabi raw ni Regine ay "walang tulog at siguradong wagi sila" kayat umattend ito, at nanalo nga, much to the surprise of many who are in the know about music and film scoring.
Alam na rin naman nang marami na napakalakas ni Regine sa Viva kaya pati ang mga director na tulad ni Joyce Bernal ay walang choice kundi kunin si Raul tulad na lang nitong Pagdating ng Panahon.
Reliable rin ang balita na kaya pinalitan ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde si Raul sa pelikulang Ano Bang Meron Ka? ay dahil pangit talaga raw ang paglapat nito ng musika kaya nagdesisyon na ipalit si Jesse Lucas.
Ayon pa nga sa source namin sa Viva, minsan ay may nira-rush na pelikula si Raul sa Viva (Pangako Ikaw Lang) nina Regine at Aga under the direction of Joyce Bernal) pero ipinasa ni Raul at iniwan pati ang paggawa ng trailer sa kaibigan niyang si Jesse Lucas dahil pumunta si Raul sa States. How irresponsible di ba?
Pati raw sa TV ay naka-packaged na si Raul kay Regine ayon pa sa source ng Baby Talk, tulad ng special episode ni Regine sa Maalaala Mo Kaya kung saan ipinagpilitan daw na si Raul ang maging music scorer kahit nangangapa ito sa pagawa sa TV dahil sa wala pa ngang experience.
Sa concert series ngayon ni Regine ay musical director na rin daw ang bayaw niya. Suwerte naman niya. Napakabilis ng pag-angat niya.
Ano kaya ang masasabi ng package deal queen, I mean ni Regine?
Email:[email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am