Si Imelda lang ba ang marunong kumanta?
November 20, 2001 | 12:00am
Mahigit nang 20 taon ang nakararaan nang maging isang malaking hit ang komposisyon ni John Manalili na "Bakit" (Kung Liligaya Ka Sa Piling Ng Iba). Masasabing ang awiting ito ang gumawa kay Imelda Papin. Hindi lamang siya naging reyna ng masa, naging reyna rin siya ng jukebox at kinilalang Asias Sentimental Songstress.
Nakapagtatakang sa tagal ng panahong ito ay walang nag-revive ng "Bakit" gayong sinasabing isa itong magandang komposisyon na hindi lamang dinala ni Imelda kundi nagdala rin kay Imelda sa katanyagan.
"Marami ang nag-alok sa akin na i-revive ito pero, hindi ako pumayag. Sa tingin ko ay tanging si Imelda lamang ang makakanta nito ng gaya nang ginawa niya nung una niya itong i-record," ani G. Manalili na inimbita ni Imelda sa launching ng album niyang "Nag-iisang Imelda" na kung saan ay nakapaloob ang "Bakit" na recorded at released ng Universal Records.
The album is a must sa mga mahiligin sa magagandang local music. Tampok dito ang mga hits nina Willy Garte ("Tunay At Huling Pag-ibig"), First Cousins ("Muling Ibalik"), Zander Khan ("Tanging Ikaw"), Mimi Baylon ("Hindi Ako Isang Laruan") at marami pa. Ni-revive rin ni Imelda ang "Bakit" at ang hit niya last year, ang "Ikaw Lamang" at ang bagong komposisyon nina Emil Losenada at Rey Gob at Roel Cortez.
Sa tagal nang ipinaghintay ni G. Manalili na muling i-record (bagong recording ito) ni Imelda ang "Bakit", sana lamang ay mapa-hit itong muli ni Imelda para naman hindi masayang ang kanyang ipinaghintay.
Ibang-iba na talaga si Klaudia Koronel ngayon.
Bakas na bakas ang happiness sa kanyang mga mata gayong hindi pa siya tuluyang nakaka-recover sa break up nila ng kanyang boyfriend of many years. "Wala na kasi akong alalahanin ngayon. Tahimik na ang pag-iisip ko at tanging ang pag-aaral ko na lamang ang inaasikaso ko. Di gaya dati na kabilang pa ang bf ko sa pinoproblema ko. Buti na yung naghiwalay kami bago pa kami tuluyang naging magkaaway," sabi niya.
Idinagdag niya na talagang hindi na siya magbu-bold. "Wala na akong balak na balikan ito. Natutuwa nga ako na nakakawala na ako rito. Pwede siguro yung paseksi pero, di na tulad nung dati kong ginagawa. Ayaw ko na," dagdag niya.
Wala siyang bold scene sa Kapitan Ambo Outside De Kulambo opposite Eddie Garcia. "Comedy ito, nagpa-sexy lang kami ni Isabel (Granada). Masaya na ako sa aking buhay ngayon. Ayaw ko nang balikan ang problema," pagtatapos niya.
Inamin niya na may bago siyang pag-ibig, isang ka-eskwela. "Alam niya, pero, pareho ko, pag-aaral ang prioridad namin kaya, hintay na lang kami muna," pagtatapos niya.
May panahon pa kayong bumili ng tiket para sa concert ni Aiai delas Alas na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Disyembre 1 na may pamagat na Out Of This World Na Kami, Araneta Na Kasi. Sa sweldo sa katapusan ng buwan, habol pa kayo. Mas malaki namang lugar ang Araneta di paris nung huli niya sa FAT na hindi na nakapasok ang marami at nagkasya na lamang makinig sa labas ng Folk Arts Theatre.
Bagaman at mabilis ang pagkaubos ng tiket, Im sure, makakabili pa kayo. Malaking kawalan kapag di nyo napanood ang concert na ani Aiai ay talagang pinaganda dahil matagal bago niya ito muling sundan. Isa pa makikita nyo sa show sina Pops, Patricia, Jaya, Manouevres, Side A at Monserrat Male Singers.
Nakapagtatakang sa tagal ng panahong ito ay walang nag-revive ng "Bakit" gayong sinasabing isa itong magandang komposisyon na hindi lamang dinala ni Imelda kundi nagdala rin kay Imelda sa katanyagan.
"Marami ang nag-alok sa akin na i-revive ito pero, hindi ako pumayag. Sa tingin ko ay tanging si Imelda lamang ang makakanta nito ng gaya nang ginawa niya nung una niya itong i-record," ani G. Manalili na inimbita ni Imelda sa launching ng album niyang "Nag-iisang Imelda" na kung saan ay nakapaloob ang "Bakit" na recorded at released ng Universal Records.
The album is a must sa mga mahiligin sa magagandang local music. Tampok dito ang mga hits nina Willy Garte ("Tunay At Huling Pag-ibig"), First Cousins ("Muling Ibalik"), Zander Khan ("Tanging Ikaw"), Mimi Baylon ("Hindi Ako Isang Laruan") at marami pa. Ni-revive rin ni Imelda ang "Bakit" at ang hit niya last year, ang "Ikaw Lamang" at ang bagong komposisyon nina Emil Losenada at Rey Gob at Roel Cortez.
Sa tagal nang ipinaghintay ni G. Manalili na muling i-record (bagong recording ito) ni Imelda ang "Bakit", sana lamang ay mapa-hit itong muli ni Imelda para naman hindi masayang ang kanyang ipinaghintay.
Bakas na bakas ang happiness sa kanyang mga mata gayong hindi pa siya tuluyang nakaka-recover sa break up nila ng kanyang boyfriend of many years. "Wala na kasi akong alalahanin ngayon. Tahimik na ang pag-iisip ko at tanging ang pag-aaral ko na lamang ang inaasikaso ko. Di gaya dati na kabilang pa ang bf ko sa pinoproblema ko. Buti na yung naghiwalay kami bago pa kami tuluyang naging magkaaway," sabi niya.
Idinagdag niya na talagang hindi na siya magbu-bold. "Wala na akong balak na balikan ito. Natutuwa nga ako na nakakawala na ako rito. Pwede siguro yung paseksi pero, di na tulad nung dati kong ginagawa. Ayaw ko na," dagdag niya.
Wala siyang bold scene sa Kapitan Ambo Outside De Kulambo opposite Eddie Garcia. "Comedy ito, nagpa-sexy lang kami ni Isabel (Granada). Masaya na ako sa aking buhay ngayon. Ayaw ko nang balikan ang problema," pagtatapos niya.
Inamin niya na may bago siyang pag-ibig, isang ka-eskwela. "Alam niya, pero, pareho ko, pag-aaral ang prioridad namin kaya, hintay na lang kami muna," pagtatapos niya.
Bagaman at mabilis ang pagkaubos ng tiket, Im sure, makakabili pa kayo. Malaking kawalan kapag di nyo napanood ang concert na ani Aiai ay talagang pinaganda dahil matagal bago niya ito muling sundan. Isa pa makikita nyo sa show sina Pops, Patricia, Jaya, Manouevres, Side A at Monserrat Male Singers.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended