^

PSN Showbiz

"I need to work" - Gelli

DERETSAHAN - Arthur Quinto -
Sa kauna-unahang pagkakataon, pumayag si Gelli de Belen na mag-guest sa Kasangga. "Ayoko kasi ng masyadong violent dahil matatakutin ako," sabi niya noong Lunes ng gabi sa Heroes Hill, Quezon City sa taping ng nasabing docu drama ng GMA 7. "Pero nang sabihin sa akin na hindi ako mamamatay bilang si Bieng, kidnap victim, pumayag ako."

Bukod sa guesting sa Kasangga, regular si Gelli sa Sis, kasama si Janice de Belen. "I am really enjoying it. Nag-rejuvinate lalo yung closeness namin ni Janice. Lalo kaming nagkaroon ng rapport. Nagkakaalaman kami, tinginan lang, pakiramdaman lang."

Public knowledge na si Janice ay hiwalay na kay John Estrada matapos silang ikasal, sampung taon na ang nakakaraan. May nakita ba siyang pagbabago ngayon sa ate niya matapos nitong tanggapin na wala na silang talaga ni John? "Parang ang nangyari, Janice rediscovered herself. Noong may asawa pa siya, lahat ng decision, share sila ni John. Ngayon, suddenly, it’s all her, especially with the children, the house, halos lahat na. It’s more of getting to know herself now."

May takot ba siya na yung nangyari sa marital life ng ate niya ay mangyari rin sa kanya? "Yes, I have that kind of fear. If there is a problem, pag may pagkukulang ako, pag may konting lax sa aming dalawa, pinapansin ko na agad. Habang maaga, ayusin natin. Syempre, iba naman si Ariel Rivera kay John Estrada. My husband is of age when we got married. He was really into it. Mas prepared pa nga siya kaysa sa akin.

"Sa nangyari kay Janice, apektado ang family namin. Hanggang ngayon, nasasaktan kami para sa kanya. Yung mga anak nila ni John, their lives will never be the same. Their lives were altered permanently.

"It took Janice a long time to open up because she was hoping against hope na yung relasyon nila ni John, mapi-fix up. And I take my hats off on her with that, although medyo umover naman siya. Pero at least, she did everything she could."

Bago nagpakasal si Gelli kay Ariel, limang taon muna silang on. Sa loob ng panahong yon, apat na buwan silang nag-break, dahil pumasok sa eksena si Regine Velasquez. Ito yung panahon na dahil madalas magkasama sa concert noon sina Ariel at Regine, nagka-developan silang dalawa. Pero sa huli, si Gelli pa rin ang panalo dahil siya ang pinakasalan ni Ariel noong December 22, 1997. At paano niya ilalarawan si Ariel bilang asawa at ama ng kanilang mga anak?

"I never expected Ariel to be very considerate. He is very patient with me. Makakalimutin kasi ako, magulo sa gamit, paminsan-minsan. Masyado kasi akong nao-overwhelm sa mga anak ko, hindi ko siya maasikaso paminsan-minsan. Naintindihan niya kung bakit inuuna ko yung mga bata at times. Naiintindihan din niya na I also need to work.

Dalawa ang anak nina Gelli at Ariel, sina Joaquin Andres, 2 years and 10 month-old at Julio Alessandro, 1 year-old. "Yung panganay, si Waki, mahilig kumanta at sumayaw. He inherited the temperament of his father."

Dahil parehong lalaki ang anak nila, wala ba silang plano na sundan ito ng isang baby girl naman? "Hindi na ako puwedeng manganak," pagtatapat ng aktres. "Nagkaroon ako ng partial histerictomy. Tinanggal yung uterus ko pero iniwan yung right ovary ko saka yung cervix ko. Dumikit kasi yung placenta ni Julio sa uterus ko sa indometrium ko. Ang tawag doon, "placenta ingrata." Hindi nila matanggal yon. Pag tinanggal nila yon, I will bleed to death. Parehong caesarian ang pinagdaanan ko. Pasalamat na lang ako at may dalawa akong anak.

"Being a mother is the hardest job I had ever done in my life," patuloy ni Gelli. "But it is the most rewarding and fulfilling. I am nurturing my kids, taking care of them. Kahit minsan, hilo na ako sa puyat, okey lang. Matignan lang ako ng anak ko at sabihing, ‘Mama,’ wala na yung pagod ko."

Ngayon napapagsabay ni Gelli ang pagiging housewife at career woman, mas fulfilled siya. Sa episode ng Sis isang buwan at kalahati na ang nakararaan, kung saan ininterbyu nila ni Janice ang mga LVN stars sa pangunguna ni Nida Blanca, may hatid na kalungkutan kay Gelli ang pagkawala ni Nida. "Naging close ako kay Nida Blanca," sabi niya. "She was my mother in Mana-Mana over Channel 2 noon.

AKO

ANAK

ARIEL

GELLI

JANICE

JOHN ESTRADA

NIDA BLANCA

PERO

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with