At this early, nag-iisip na rin si Piolo ng negosyong kanyang papasukan. Alam kasi niya na hindi pang habang-buhay ang kanyang pagiging sikat kaya habang kumikita siya ay panay ang kanyang pagse-save.
Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon mula sa kanila ni Juday tungkol sa kanilang totoong relasyon. Pero kung pagbabasehan ang kanilang pagiging sweet sa isat isa at pagiging close, walang alinlangan na sila nga. Katunayan, sa recent fans day ni Piolo, hindi niya akalain na sosorpresahin siya ni Juday. Dahil dito, napaiyak ang binata at niyakap nang mahigpit ang kasintahan, este, ang kanyang kapareha sa teleserye na Sa Puso Ko, Iingatan Ka.
Nung magtambal sina Daboy at Donita ay na-link ang dalawa kaya hindi kataka-taka na ma-link din si Donita kay Mark.
"I think, ganun naman talaga dito sa showbiz na parating nili-link ang leading lady sa kanyang leading man. Okey lang sa akin. After all, binata naman si Mark at dalaga naman ako. Ang ayaw ko lang kung ili-link ako sa may asawa," natatawang pahayag ng MTV Asia VJ.
Anong kaibahan kina Daboy at Mark bilang leading man?
"Pareho silang magaling umarte at parehong mabait. Pero mas maasikaso si Daboy sa set," ani Donita.
Kung nagkabati na sina Guy (Nora) at ang prodigal (adopted) daughter nitong si Matet nung ikalawang gabi ng concert ni Guy, makumpleto na kaya ni Guy ang kanyang mga anak (including Lotlot de Leon) sa kanyang repeat concert?
Nung October 19 show ni Guy, tanging si Lotlot lamang ang wala roon, although dumating ito nung first night kasama ang mister na si Monching pero hindi nila tinapos ang show.