"Kristine is a very kind and friendly person. Talaga lamang sigurong may iba pa siyang gagawin," pagtatanggol ni Mark sa kapareha. "Wala akong maipipintas sa kanya. Talagang mabait siya. Naging close talaga kami, kaya lang we have to set our limitations. Masaya na ako na naging close friend ko siya."
Hindi naman kaila sa lahat na si Jericho Rosales ang pinaka-malapit na lalaki kay Kristine at si Mark naman ay maligaya sa kanilang relasyon ng kasalukuyang Mutya ng Pilipinas at 4th runner-up sa Miss Asia Pacific Quest na si Darlene Carbungco.
"Pero, we had a good time working together. Inimbita pa nga niya ako na maging isa sa participants sa 18 roses niya nung kanyang debut, hindi nga lang ako nakarating," dagdag pa ni Mark.
Mark has really prepared for his role in the film. Nag-water ski siya rito na hindi pa nagagawa ng kanyang ama. Para sa kanya, his father is a tough act to follow. "Kahit kalahati lang ng narating niya ang maabot ko, masaya na ko," sabi ni Mark.
Ginamit ni Lito Lapid sa pelikula ang kanyang pangalan bilang direktor. Ngayon lamang niya ito ginawa. May mga gimik din ang Gobernador na itinitira nito para sa susunod niyang pelikula pero, ipinagamit na niya kay Mark.
May strong cast ang movie na binubuo nina Ace Espinosa, Roi Vinzon, Jess Lapid, Jr., Sharmaine Santiago, Perla Bautista, Kathleen Cruz at si Lito Lapid mismo!