Ilang buwan ding nag-stay sa Japan si Nini.
First time na magpi-perform ng Freestyle with the Orchestra. "Kaya nga excited kami - dream come true concert actually ito for us," said Tat Suzara, lead guitarist and leader of the band. "Marami rin kaming bagong song na kailangang aralin," said Tat.
Kasabay ng Symphony in F ang third anniversary ng Mossimo na major sponsor ng nasabing concert.
Ang two-hour program will fuse the classy sound of the 85 piece MPO with the chart-topping music of Freestyle and will showcase the bands hit songs like "Bakit Ngayon Ka Lang," "Before I Let You Go" at "This Time" alongside a repertoire ng standards na all-time favorites.
Magpi-perform din sila ng movie themes, well-loved standards, selection of acoustic hits and a special Girl Power medley.
Para ma-kumpleto, ang divas in the making na sina Anna Fegi and Bituin Escalate will join. Symphony in F is directed for TV by Rowell Santiago and Rodel Colmenar bilang musical director.
Marami siyang nakalampas na opportunity dahil sa nasabing intriga including her first album sa Viva Records na noon ay nagi-start pa lang siyang mag-record. Medyo disappointed siya sa nangyari particularly sa Viva. "Pero wala na ngayon. Im a very positive person, ayokong maging affected sa mga bagay na alam kong wala naman akong magagawa. Hindi ko naman sila puwedeng i-demanda, wala akong laban, gagastos pa ako," katuwiran niya.
Anyway, pagkatapos naman non, na-compensate ang sama ng loob niya nang gawin niya ang Paraiso Ni Efren na nagbigay sa kanya ng recognition bilang isang totoong actress. Na-nominate siya for that movie bilang best supporting actress sa Star Awards for Movies, Film Academy of the Philippines, Gawad Urian at sa bagong tatag na grupo ng mga professor mula sa ibat-ibang unibersidad at kolehiyo sa Metro Manila, Pasado na nagbigay sa kanya ng first acting award. "Okey na ako don. At least napatunayan ko sa kanila na hindi lang naman talaga pagbo-bold ang kaya kong gawin. Masaya na ako don." Pakiramdam din ni Ynez, dahil sa nasabing recognition isa na siyang tunay na alagad ng sining na ka-level ng totoong aktres sa industriya.
In any case, bata pa lang siya, interes na talaga niyang kumanta. Actually, hindi pa siya pumapasok sa showbiz noon, kumakanta na siya sa maliliit na bar hanggang pumasok nga siya sa pagbo-bold.
Ngayon suportado ng Dyna Records headed by Howard Dy si Ynez. Basically, lahat tungkol sa pag-ibig ang mga song na kasama sa kanyang album na available na sa market.
Kaya naman lahat ng pelikula ni Direk Joyce, laging kasama ang sexy actress. Latest project ni direk ang Pagdating Ng Panahon starring Sharon Cuneta and Robin Padilla.
Supporting lang si Rufa Mae sa movie, pero okey lang sa kanya. Feeling niya (Rufa Mae) kasi, si Sharon and Robin naman ang kasama. "Imagine kung gaano karami ang fans ni Sharon. So pag napanood nila ako rito, Im sure pag nagkaroon ako ng movie, manonood din sila," kuwento ni Rufa Mae sa isang previous interview.
Anyway, maging si Sharon ay enjoy kay Rufa Mae. Mismong ang megastar ang nagsasabi na magaling na komedyante ang sexy actress. In fact, kahit may eksena na kailangang medyo seryoso, wala silang ginawa kundi tumawa.
Bukod kay Rufa Mae, supporting din sa Pagdating ng Panahon sina Amy Austria, Bernard Palanca, Rosemarie Gil among others.