Ayon kay Jolina, isa si Robert sa mga reporters na hindi kailanman siya siniraan. Kaya masakit sa kanya ang pagpanaw ng isang very supportive na manunulat.
"Lagi siyang nakangiti kapag iniinterbyu ako," lahad nito. "I will always remember him as someone na masayahing tao. Sana mabigyan ng justice ang pagkamatay niya."
Bukod sa pagkawala ni Robert, nakadagdag din ng kalungkutan ni Jolina ang pagkamatay ni Nida Blanca kung saan nakasama niya sa pelikulang Kung Ikay Isang Panaginip under Star Cinema. Ayon sa singer-actress, marami siyang natutunan kay Nida.
Sa January nakatakdang ipalabas ang nasabing last movie ni Nida na kasama si Jolina.
Ayon sa isang Talent Center insider, hindi nagustuhan ni Mr. Manahan ang mga nakarating sa kanyang balita about Rapi. Nagsagawa ito ng sariling imbestigasyon at mula doon ay nagdesisyon ito na tanggalin si Rapi bilang co-manager ni Carlos.
"Si Mr. M kasi ang tao na buo magtiwala sa mga katrabaho. But once you mess up with him, sorry na lang. Gagawin niya ang lahat to protect his talents. Ganon siya sa mga artista niya. Para siyang tatay, kuya at manager talaga," sabi ng kausap namin.
Ayaw namang magsalita ni Carlos sa pagkatsugi ni Rapi bilang co-manager ni Carlos. Gustong ipaalam ng kausap naming taga-Talent Center na lahat ng bookings ngayon ni Carlos from commercials, TV guestings, movies, mall shows, provincial shows ay kailangang sa Talent Center padaanin at hindi kay Rapi. Si Mr. M ang personal na maga-approve ng bookings ni Carlos.
"Ganyan si Karla, nawawala sa eksena kapag pag-ibig na. Wala rin siyang pakialam na magpabuntis kapag mahal niya yung lalake. Di ba nangyari na yan sa kanya kina Rommel Padilla at sa pinsan nitong lead vocalist ng Orient Pearl," sabi ng kausap namin.
Ang sabi, isang character actor ang nakabuntis sa waray actress. Ang ipinagtataka lang ng source namin, months pa lang nagkakakilala ang dalawa pero bakit nagpabuntis agad ito?
"Kung hindi siya buntis, bakit ayaw niyang magpakita? Hindi na talaga natuto ang babaeng yan!" sabi ng source namin na concerned sa aktres.(Ulat ni Eric John Salut)