^

PSN Showbiz

Nikki, Troy break na?

-
Mabilis na kumalat ang balitang break na sina Nikki Valdez at Troy Montero. Noong Nobyembre 7 daw nagtapos ang kanilang seven-month old na relasyon. At ito raw ay dahil sa matinding selos.

Nakita pa raw si Troy sa birthday party ng talent manager na si Deo Endrinal na mag-isa lang dumating at tila problematic nga raw kung saan nagpakalasing pa umano ito nang husto.

Nagbunyi naman agad ang fans ni Troy, pati na rin ang mga taong nasa paligid ng actor-TV host na ’di boto kay Nikki. Pero mukhang false alarm ang nasabing balita dahil si Nikki na mismo ang nagklaro nito sa amin.

"Nagulat na rin lang ako sa mga lumabas. Parang napaka-big deal. Ang alam ko kasi, kami pa rin. As far as I know, we’re still on," nasambit pa sa amin ni Ms. Valdez nang tawagan pa namin sa kanyang cellphone.

"I must admit na may konting argument kami. Pero normal lang naman sa isang magkarelasyon ang magkaroon ng konting tampuhan, ’di ba ? Kahit na kanino nangyayari ’yon, kahit sa isang mag-asawa na.

" And you know,para sa akin mas nakakatulong yon para mas lalo n'yo pang makilala ang isa't isa.

"Hindi naman puwedeng puro saya na lang,kailangan may pagtatalo rin o galit-bati kayo.Pero kami naman ni Troy,never kaming umabot sa point na mag-away ng grabe,puro petty things lang.

"Hindi rin naman kami madalas magtalo o mag-away.Puro kababawan lang talaga.And again,I would like to make it clear na kami pa rin.Kanina lang,magkausap pa kami sa phone," diin pa niya.

Paano naman kaya sasagutin ni Nikki ang isyung paglalasing ni Troy sa umano'y sobrang depression nito ?

"Hindi ko alam yan,pero tatanungin ko muna siya about it kung totoo nga.Kung nakita man siyang umiinom,natural lang siguro yon dahil nasa party siya.Pero yung paglalasing nang husto,I don't know," pagtatapos ni Nikki.(Ulat ni Robert Perez- Ang artikulo ay isinulat ng may akda isang araw bago siya namatay - ED)

vuukle comment

DEO ENDRINAL

LANG

MS. VALDEZ

NIKKI

NIKKI VALDEZ

NOONG NOBYEMBRE

PERO

ROBERT PEREZ

TROY MONTERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with