Joel Lamangan, pumayag idirek ng bago at mas batang direktor

Isa pa ring period film ang Hesus Rebolusyonaryo na nagtatampok kay Mark Anthony Fernandez sa title role. Pero hindi ito tungkol sa mga nakaraang pangyayari kundi ang hindi malayong mangyari sa ating bansa kapag tayo ay naging pabaya at hindi naging vigilant.

Nangyari ang istorya sa taong 2011, 10 taon mula ngayon. Isang kabataang rebolusyunaryo si Mark na biglang nagising sa isang mapait na katotohanan nang utusan siyang patayin ang isang kasama na pinagsususpetsahang taksil sa kanilang samahan.

"Hindi lamang ako kundi maging ang aking dad (Rudy Fernandez) ay na-excite nang mabasa niya ang istorya. Kailangan daw gawin ko ito. Ibang klase talaga. Ako rin, malaki ang paniniwala ko na makatutulong ito ng malaki sa aking career," ani Mark sa isang recent interview.

Ang popular na MTV VJ na si Donita Rose ay mayroon ding ginagampanang mahalagang role sa movie, bilang love interest ni Mark. Magkakaroon ba sila ng mga maiinit na love scenes ng aktor?

"Kissing scenes. Hindi naman bold ang movie but a straight drama. Baka hindi ako ang kinuha na makapareha ni Mark kung ito pala ang gusto ng producer," sabi ng magandang aktres who has since took over her dubbing chores.

"I’ve been dubbing my parts even before. Even when I was new in the business, I wanted to do this but, maybe, the producers did not believe I could do it properly and let a dubber do the job. But not anymore, I feel I can give more emotion and realism to my role kung ako ang magda-dub," sabi ng mestisang Panggalatok.

Ang premyadong direktor na si Joel Lamangan ay pumayag din na sumailalim sa mapanuring direksyon ng isang mas nakakabata at mas bagong direktor kaysa sa kanya, si Lav Diaz. Siya ang koronel na minsan ay nagmahal kay Mark pero nagpapahirap dito sa kasalukuyan. Si Ronnie Lazaro ang chief rebel na may matigas na puso. Si Orestes Ojeda ang isa pang koronel na lumalaban sa diktatorya. Nanay ni Donita si Marianne dela Riva. Si Lawrence Espinosa ang leader ng military junta. Kasama rin sa cast sina Dido dela Paz, Pinky Amador, Ricardo Cepeda, Richard Jozon at Bart Guingona.

Unang napansin si Lav Diaz, tatlong taon na ang nakakaraan sa pelikulang Kriminal Ng Barrio Concepcion. Agad, marami ang nagsabi na he bears watching, isang genuine find ng Regal Films. Ipinalabas ang Kriminal sa Toronto International Filmfest na kung saan ay pinuri rin siya ng New York-trained director na si David Overbey. Sumunod ang Hubad Sa Ilalim Ng Buwan na ipinalabas sa 50th Berlinale.

Sinabi ni Diaz na tanging si Mother Lily Monteverde lamang ang nag-iisang producer na matapang na gagastusan ang isang proyekto na katulad ng Hesus Rebolusyonaryo bagaman at kilala na siya sa paggawa ng mga kontrobersyal na pelikula tulad ng City After Dark ni Ishmael Bernal, Scorpio Nights ni Peque Gallaga, Sister Stella L ni Mike de Leon, Live Show ni Joey Reyes at Tuhog ni Jeffrey Jetturian.

Show comments