Bongga ang Dedication Ceremony (katumbas ng Binyag ng Katoliko) na magaganap sa first born nina Niño At Edith. Mahigit sa 50 ang tatayong mga ninong at ninang. Pero sabi ni Onin ay sinadya nilang mag-asawa ito para kahit na marami sa kanila ang makakalimot sa kanilang tungkulin sa kanilang anak, mayron pa ring matitira na magsisilbing pangalawang magulang ng kanilang anak.
Ilan sa mga ninong/ninang from showbiz ay sina Vice Gov. Mikey Arroyo, Vice Mayor Herbert Bautista, Mr. & Mrs. Ervin Mateo, Sen. and Mrs, Kiko Pangilinan, Mr. & Mrs. Romnick Sarmenta, Mr. & Mrs. Bong Revilla, Mr. & Mrs. Andrew Espiritu, Mr. & Mrs. Albert Martinez, Mr. & Mrs. Ace Espinosa, Mr. & Mrs. Ian de Leon, Kris Aquino, Judy Ann Santos, Joy Viado, Dang Cruz, Yam Ledesma, Hannah Villame, Aster Amoyo, Nikka Valencia, Phillip Chua, Jethro Ramirez, Walden Belen, Lloyd Umali, Keempee de Leon, Earl Ignacio, Leonard Obal, Ronald Gan, Dondon Monteverde, Efren Reyes, Richard de Dios at marami pa.
Ang Dedication Ceremony will be officiated by Pastor Art Dandan.
Sinabi ni Niño na kapag ginusto ng kanyang anak na mag-artista, papayagan niya ito. "Malay nyo baka siya ang susunod na child wonder," sabi niya.
"Hirap nga akong bumili ng pants, walang magkasya. Kahit kasya sa bewang, hindi naman kasya sa balakang. Madalas, made to order na lang ako. Pero kung store-bought, inaabot ako ng isang araw bago ako makakita ng gusto kong fit," sabi niya.
Shes turning 20 years old sa Nov. 24. Nakatapos na siya ng kursong midwifery sa Las Piñas College. "Balak kong mag-doktor pero sa kurso kong ito ako napunta," sabi niya.
Shes mighty proud of her Star Award. "Ngayon ko lang na-realize na totoo yung sinasabi ng marami sa akin na may future ako sa showbiz. Im taking it as a challenge. Now I have to prove na deserving ako sa award," sabi niya.
Matagal ko na ring writer si Robert. Maski na marami ang nagpi-prisinta sa akin na magsulat ay nag-stick ako sa kanya dahil magaang siyang ka-trabaho. Walang intriga sa katawan. Lumabas man o hindi ang article niya ay palaging pasasalamat ang namumutawi sa kanyang bibig although I always had to tell him kung bakit may mga sinusulat siya na hindi ko inilalabas.
I liked him dahil madalas kaming nagkakabungguang balikat sa mga showbiz gatherings. Ibig sabihin lamang ay lumilibot din siya. Kaya marami siyang alam, maraming balita, maraming naisusulat.
Very thoughtful din siya. Tuwing bumabalik siya ng Maynila matapos magpalipas ng weekend sa probinsya ay palagi siyang may pasalubong sa akin. Pagkain, gamit o kahit ano pa mang produkto ng lugar na kanyang pinanggalingan.
Sa mga presscon, hindi siya mayabang, hindi pa-porma. Kapag nakita ako ay agad lumalapit at yumayakap.Nasa isang tabi lamang siya kasama ang mga malalapit na kaibigan at matamang nagmamasid. Pero, kapag tinawag mo para magtanong, lagi naman siyang may nakahandang katanungan.
Malaking kawalan para sa akin si Robert. Madali siyang bigyan ng assignment at, siguro, dahilan sa nakakabata, mga bata rin ang type niyang sulatin. Syempre, bukod kay Halina Perez na alam kong minamaneho niya ang career.
Sa ganun kalupit na paraan lamang pala magwawakas ang kanyang buhay. Nakapanghihinayang dahil bata pa siya. Nakakalungkot dahil mababawasan na ang tatawag sa akin at makikiusap na pirmahan ko agad ang kanyang mga clippings para makuha niya ang kanyang bayad tuwing matatapos ang buwan. Sa isang mundo na puno ng kaplastikan at kaguluhan, nakakita ako ng isang nakakabatang kapatid kay Robert. Mami-miss ko siya.