Binyag ng 'The Next Child Wonder'
November 15, 2001 | 12:00am
Nagulat na lamang kami when during the pictorial for the movie Di Na Kita Ma-Reach topbilled by Mikey Arroyo, LJ Moreno and Yam Ledesma ay sumasagsag ang dating child actor at ngayon ay amang-ama na ang dating na si Niño Muhlach. Di naman siya kasama sa pelikula, pero dumating siya para personal na iabot ang imbitasyon para sa binyag ng kanilang anak ni Edith na si Allessandro Martinno Muhlach na gaganapin ngayong Huwebes Nobyembre 15, 6:00 n.g. sa Greenmeadows Phase 1 Clubhouse.
Bongga ang Dedication Ceremony (katumbas ng Binyag ng Katoliko) na magaganap sa first born nina Niño At Edith. Mahigit sa 50 ang tatayong mga ninong at ninang. Pero sabi ni Onin ay sinadya nilang mag-asawa ito para kahit na marami sa kanila ang makakalimot sa kanilang tungkulin sa kanilang anak, mayron pa ring matitira na magsisilbing pangalawang magulang ng kanilang anak.
Ilan sa mga ninong/ninang from showbiz ay sina Vice Gov. Mikey Arroyo, Vice Mayor Herbert Bautista, Mr. & Mrs. Ervin Mateo, Sen. and Mrs, Kiko Pangilinan, Mr. & Mrs. Romnick Sarmenta, Mr. & Mrs. Bong Revilla, Mr. & Mrs. Andrew Espiritu, Mr. & Mrs. Albert Martinez, Mr. & Mrs. Ace Espinosa, Mr. & Mrs. Ian de Leon, Kris Aquino, Judy Ann Santos, Joy Viado, Dang Cruz, Yam Ledesma, Hannah Villame, Aster Amoyo, Nikka Valencia, Phillip Chua, Jethro Ramirez, Walden Belen, Lloyd Umali, Keempee de Leon, Earl Ignacio, Leonard Obal, Ronald Gan, Dondon Monteverde, Efren Reyes, Richard de Dios at marami pa.
Ang Dedication Ceremony will be officiated by Pastor Art Dandan.
Sinabi ni Niño na kapag ginusto ng kanyang anak na mag-artista, papayagan niya ito. "Malay nyo baka siya ang susunod na child wonder," sabi niya.
Medyo mataba pa rin si Yam Ledesma pero napaka-laki na ng naiwala niyang timbang. "Yung balakang ko ang problema ko. Characteristic ng mga babae sa pamilya ko ito. Pumayat man ako ng husto mas lalo lamang magiging obvious ang balakang ko," sabi niya during the filming of Di Na Kita Ma-Reach sa Pampanga na kung saan ang role niya ay best friend ni LJ Moreno.
"Hirap nga akong bumili ng pants, walang magkasya. Kahit kasya sa bewang, hindi naman kasya sa balakang. Madalas, made to order na lang ako. Pero kung store-bought, inaabot ako ng isang araw bago ako makakita ng gusto kong fit," sabi niya.
Shes turning 20 years old sa Nov. 24. Nakatapos na siya ng kursong midwifery sa Las Piñas College. "Balak kong mag-doktor pero sa kurso kong ito ako napunta," sabi niya.
Shes mighty proud of her Star Award. "Ngayon ko lang na-realize na totoo yung sinasabi ng marami sa akin na may future ako sa showbiz. Im taking it as a challenge. Now I have to prove na deserving ako sa award," sabi niya.
Naiyak naman ako sa biglang kamatayan ng kasamahang si Robert Perez.Na-shock ako nang malaman ko ang nangyari sa kanya na humantong sa kamatayan via an early TV program.
Matagal ko na ring writer si Robert. Maski na marami ang nagpi-prisinta sa akin na magsulat ay nag-stick ako sa kanya dahil magaang siyang ka-trabaho. Walang intriga sa katawan. Lumabas man o hindi ang article niya ay palaging pasasalamat ang namumutawi sa kanyang bibig although I always had to tell him kung bakit may mga sinusulat siya na hindi ko inilalabas.
I liked him dahil madalas kaming nagkakabungguang balikat sa mga showbiz gatherings. Ibig sabihin lamang ay lumilibot din siya. Kaya marami siyang alam, maraming balita, maraming naisusulat.
Very thoughtful din siya. Tuwing bumabalik siya ng Maynila matapos magpalipas ng weekend sa probinsya ay palagi siyang may pasalubong sa akin. Pagkain, gamit o kahit ano pa mang produkto ng lugar na kanyang pinanggalingan.
Sa mga presscon, hindi siya mayabang, hindi pa-porma. Kapag nakita ako ay agad lumalapit at yumayakap.Nasa isang tabi lamang siya kasama ang mga malalapit na kaibigan at matamang nagmamasid. Pero, kapag tinawag mo para magtanong, lagi naman siyang may nakahandang katanungan.
Malaking kawalan para sa akin si Robert. Madali siyang bigyan ng assignment at, siguro, dahilan sa nakakabata, mga bata rin ang type niyang sulatin. Syempre, bukod kay Halina Perez na alam kong minamaneho niya ang career.
Sa ganun kalupit na paraan lamang pala magwawakas ang kanyang buhay. Nakapanghihinayang dahil bata pa siya. Nakakalungkot dahil mababawasan na ang tatawag sa akin at makikiusap na pirmahan ko agad ang kanyang mga clippings para makuha niya ang kanyang bayad tuwing matatapos ang buwan. Sa isang mundo na puno ng kaplastikan at kaguluhan, nakakita ako ng isang nakakabatang kapatid kay Robert. Mami-miss ko siya.
Bongga ang Dedication Ceremony (katumbas ng Binyag ng Katoliko) na magaganap sa first born nina Niño At Edith. Mahigit sa 50 ang tatayong mga ninong at ninang. Pero sabi ni Onin ay sinadya nilang mag-asawa ito para kahit na marami sa kanila ang makakalimot sa kanilang tungkulin sa kanilang anak, mayron pa ring matitira na magsisilbing pangalawang magulang ng kanilang anak.
Ilan sa mga ninong/ninang from showbiz ay sina Vice Gov. Mikey Arroyo, Vice Mayor Herbert Bautista, Mr. & Mrs. Ervin Mateo, Sen. and Mrs, Kiko Pangilinan, Mr. & Mrs. Romnick Sarmenta, Mr. & Mrs. Bong Revilla, Mr. & Mrs. Andrew Espiritu, Mr. & Mrs. Albert Martinez, Mr. & Mrs. Ace Espinosa, Mr. & Mrs. Ian de Leon, Kris Aquino, Judy Ann Santos, Joy Viado, Dang Cruz, Yam Ledesma, Hannah Villame, Aster Amoyo, Nikka Valencia, Phillip Chua, Jethro Ramirez, Walden Belen, Lloyd Umali, Keempee de Leon, Earl Ignacio, Leonard Obal, Ronald Gan, Dondon Monteverde, Efren Reyes, Richard de Dios at marami pa.
Ang Dedication Ceremony will be officiated by Pastor Art Dandan.
Sinabi ni Niño na kapag ginusto ng kanyang anak na mag-artista, papayagan niya ito. "Malay nyo baka siya ang susunod na child wonder," sabi niya.
"Hirap nga akong bumili ng pants, walang magkasya. Kahit kasya sa bewang, hindi naman kasya sa balakang. Madalas, made to order na lang ako. Pero kung store-bought, inaabot ako ng isang araw bago ako makakita ng gusto kong fit," sabi niya.
Shes turning 20 years old sa Nov. 24. Nakatapos na siya ng kursong midwifery sa Las Piñas College. "Balak kong mag-doktor pero sa kurso kong ito ako napunta," sabi niya.
Shes mighty proud of her Star Award. "Ngayon ko lang na-realize na totoo yung sinasabi ng marami sa akin na may future ako sa showbiz. Im taking it as a challenge. Now I have to prove na deserving ako sa award," sabi niya.
Matagal ko na ring writer si Robert. Maski na marami ang nagpi-prisinta sa akin na magsulat ay nag-stick ako sa kanya dahil magaang siyang ka-trabaho. Walang intriga sa katawan. Lumabas man o hindi ang article niya ay palaging pasasalamat ang namumutawi sa kanyang bibig although I always had to tell him kung bakit may mga sinusulat siya na hindi ko inilalabas.
I liked him dahil madalas kaming nagkakabungguang balikat sa mga showbiz gatherings. Ibig sabihin lamang ay lumilibot din siya. Kaya marami siyang alam, maraming balita, maraming naisusulat.
Very thoughtful din siya. Tuwing bumabalik siya ng Maynila matapos magpalipas ng weekend sa probinsya ay palagi siyang may pasalubong sa akin. Pagkain, gamit o kahit ano pa mang produkto ng lugar na kanyang pinanggalingan.
Sa mga presscon, hindi siya mayabang, hindi pa-porma. Kapag nakita ako ay agad lumalapit at yumayakap.Nasa isang tabi lamang siya kasama ang mga malalapit na kaibigan at matamang nagmamasid. Pero, kapag tinawag mo para magtanong, lagi naman siyang may nakahandang katanungan.
Malaking kawalan para sa akin si Robert. Madali siyang bigyan ng assignment at, siguro, dahilan sa nakakabata, mga bata rin ang type niyang sulatin. Syempre, bukod kay Halina Perez na alam kong minamaneho niya ang career.
Sa ganun kalupit na paraan lamang pala magwawakas ang kanyang buhay. Nakapanghihinayang dahil bata pa siya. Nakakalungkot dahil mababawasan na ang tatawag sa akin at makikiusap na pirmahan ko agad ang kanyang mga clippings para makuha niya ang kanyang bayad tuwing matatapos ang buwan. Sa isang mundo na puno ng kaplastikan at kaguluhan, nakakita ako ng isang nakakabatang kapatid kay Robert. Mami-miss ko siya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended