Lahat napag-aaralan

Sa loob ng anim na taong pamamalagi ni Kristine Hermosa sa showbis ay marami na rin siyang natutunan.

Kung noon ay napakamahiyain niya ngayon ay nalampasan na niya ito. Natutunan na rin niyang sumayaw at kumanta ngayon. Higit sa lahat ay marunong na rin siyang umarte kung saan itinuturing siya ngayong soap opera princess dahil sa kanyang TV series na Pangako Sa ‘Yo ng Channel 2.

Naniniwala si Kristine na lahat ng bagay na nais mong makamtan ay kailangan mong paghirapan. Alam niya ito dahil dumaan muna siya sa butas ng karayom bago narating ang kasikatan niya ngayon. Taliwas sa sinasabi ng ilan na malakas lang daw ang kapit niya sa management ng Dos na ikinasama rin ng loob niya noon.

Kung dati ay napipikon siya sa mga naririnig niyang puna mula sa ibang tao, ngayon ay sanay na siya sa mga tsismis at intrigang ipinupukol sa kanya. — LMS

Show comments