Sa puntong ito, naikwento ng Singing Goddess na isang malaking film outfit ang nag-alok kamakailan na gawing movie ang "Sisirin Mo". Nais niyang tanggapin ang offer dahil siya mismo ang bida. Ang kaso, sobrang bold ang ipinagagawa sa kanya. Pinaghuhubad siya sa maraming eksena at may maiinit na love scene pa. Ito na sana ang katuparan ng kanyang pangarap dahil bago siya naging recording artist, pag-aartista talaga ang kanyang unang inambisyon. Ang kaso, hindi niya kaya pang mag-all the way kumbaga.
"Wala naman akong nakikitang masama sa paghuhubad ng mga artista sa pelikula," wika ni Diwata. "Para sa akin, kung may ipapakitay dapat lang na ipakita. Kaya lang, mas priority ko ang pagkanta."