Coritha - Artista na ba sa pelikula?
November 13, 2001 | 12:00am
Pinasukan na rin ni Coritha ang pelikula bilang mang-aawit at kompositor ng mga theme songs. Siya ang pinili ng World Arts Cinema na kumanta ng theme song ng kanilang pelikulang Buko Pandan na dinerihe ng tanyag na direktor ng telebisyon na si Uro dela Cruz. Ang awiting pinamagatang "Babalik Muli" ay nilikha ni Blitz Padua, ang musical director ng nasabing pelikula at ito'y ipalalabas bilang MTV sa lahat ng mga sinehan sa buwang ito. Si Coritha rin ang inatasan ng World Arts Cinema na gumawa ng theme song ng susunod nilang pelikula ang Sana'y Totoo Na. Ito'y kakantahin bilang duet ng mga pangunahing artista na si Tonton Gutierrez at Glydel Mercado at si Coritha naman ang kakanta ng solo version para sa pelikula. Sa mga hindi nakakaalam, si Coritha ang lumikha at umawit ng mga theme songs ng dalawang pelikula ng prinodyus ng Regal Films noong nakaraan taon. Ito ang Init ng Laman ni Sunshine Cruz at Capt. Fidel JimenezMagsubukan Tayo na pinagbidahan ni Lito Lapid.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended