Cogie, bakasyon sa movie dahil sa sakit

Sa December 8 naka-schedule ang baptism ng twins nina Aga & Charlene Muhlach. Wala pa silang mga naka-line up na ninong at ninang pero definitely, mga malalapit lang nilang kaibigan.

Last Thursday pa sila lumabas ng Makati Medical Center. Halos mapuno ng flowers and toys ang hospital room ni Charlene sa Makati Med sa rami ng regalo.

Nag-decide na rin ang mag-asawa na i-circumcise na si Antonio Andres (Andoy) at lagyan ng earrings si Atasha Aaron (Atasha) habang baby.

Ayon kay Charlene, magpa-family planning muna sila. Wala muna silang planong sundan ang twins. Actually, one girl and one boy lang talaga ang plano nila kahit noon pa. "Eh ibinigay ng Diyos pareho, so tama na muna ‘to," Charlene said.

Kahit daw kasi caesarean operation, mahirap pa ring manganak ayon pa kay Charlene.

Marunong na rin magpalit ng diaper ng kambal si Aga. During the time na nasa hospital sila, may time na si Aga ang nagpapalit ng diaper kay Andoy dahil iyak nang iyak sa gabi dahil nga mahapdi pa ang circumcision nito.
*****
Hindi na masyadong nagi-expect si Onemig Bondoc sa mangyayari sa career niya. Accepted na niya ang reality na maging kuntento na lang sa lahat ng dumarating na project. "Kung ano na lang ang dumating, okey na ‘yun," he said. "Ayoko nang mag-expect ng too much," he added.

Visible si Onemig ngayon dahil kasama siya sa Trip, Star Cinema’s latest offering na kasalukuyan nang showing sa Metro Manila theaters.

Matagal-tagal ding hindi napanood si Onemig sa movie. Last movie niya ang My Pledge of Love starring Judy Ann Santos and Wowie de Guzman.

Actually, sobrang tagal na ‘yun. Most probably kahit siya, nalimutan na niya kung kailan ito ipinalabas.

In any case, aside from Trip may regular TV show na rin siya, Attagirl and Okatokat. Nakaka-third week na siya sa Attagirl at two months na siya sa Okatokat. "The more kasi na naiinip ka sa career mo, mas parang walang nangyayari. Buti pa ‘yung hayaan ko na lang, sunud-sunod ang project ko," he lamented.

Hindi lang naman sa movie career ang concentration ng actor kung tutuusin. May sarili siyang school - Benedictine Abbey in Quezon City. May 300 students sila sa kasalukuyan.

Aside from Benedictine Abbey, busy din siya running Rising Star, a travel agency owned by his family. "We love to travel kaya nag-decide kaming mag-put up ng travel agency. Actually, two years ago pa ‘yun." he informed.

At any rate, with Onemig in Trip are Kristine Hermosa, Jericho Rosales, Marvin Agustin among others under the direction of Gilbert Perez for Star Cinema.
*****
Na-hospital na naman pala si Cogie Domingo kaya hindi matapos-tapos ang movie na ginagawa nila ni Judy Ann Santos entitled Sana Bigyan Mo Ng Pansin under Regal Films. Ayon sa isang source ng Baby Talk, hindi nila alam ang reason kung bakit na-hospital na naman ang young actor.

Dahil nga na-hospital, kailangan daw nitong magpahinga kaya hindi agad nakapag-shooting.

Prior to this, nire-reklamo na ang pagiging unprofessional ni Cogie. Since mag-start daw ng shooting para ng Sana Bigyan Mo Ng Pansin, consistent late si Cogie as in four hours late. At pagdating pa raw sa shooting, hindi agad bababa ng car dahil tulog pa. "Ewan ko ba kung bakit ganyan si Cogie. Parang laging puyat at problematic," comment ng isang nagre-reklamo sa attitude ng young actor.

Bukod dito, consistent din ang rumor na lulong na siya sa ecstacy.

Well, sana naman sa lalong madaling panahon ay ma-realize ni Cogie na walang mangyayari sa buhay niya sa mga ginagawa niyang ganito. Kung may problema siya sa magulang niya, mas advisable na kausapin niya.

Sayang din ‘yung break na binigay ni Mother Lily sa kanya kung ganyan lang ang gagawin niya.
*****
Showing na tomorrow ang Ano Bang Meron Ka? starring Joyce Jimenez and Diether Ocampo na nagkaroon ng press preview last week.

Hindi ko nasimulang panoorin ang pelikula, last part na lang ang naabutan ko. Pero ayon sa mga nakapanood ng entire movie, okey naman, interesting at malaking factor ang presence ni Isabella sa pelikula.

Sa part ng inabutan ko, ang ganda ng mga shots ni Joyce - kahit saang angle.

Pero si Diether, feeling ko hindi pa rin masyadong improved ang acting. Hindi pa rin siya makaiyak sa mga eksenang kailangan ng tears.

Sa may last part, may ilang corny na eksena, pero okey lang. Hindi ko lang siguro masyadong na-appreciate.

Ginastusan ni Mother Lily ang Ano Bang Meron Ka? kaya maganda ang production.

The movie is under the direction of Maryo J. delos Reyes.
*****
Email: psnbabytalk@hotmail.com

Show comments