Vina nagsimula kay Sharon at Gabby
November 10, 2001 | 12:00am
Concerts, pelikula, TV premieres, major video releases, top-rating TV shows, new exciting albums and other entertaining goodies ang meron ang Viva Entertainment Group sa kanilang pagsi-celebrate ng 20th anniversary sa showbusiness.
Ang celebration ay nagsimula noon pang Martes, November 6 sa pamamagitan ng matagumpay na concert ng Danish pop-rock na Michael Learns To Rock sa Araneta Colesium. At ngayon ngang gabi, mapapanood ang concert ni Janno Gibbs na pinamagatang Vivas & I. Makakasama ni Janno sa nasabing concert ang malalaking diva ng Viva - Lani Misalucha, Pops Fernandez, Jaya, Pilita Corrales with Ogie Alcasid, Andrew E., Blakdyak at marami pang iba.
Bago ang nasabing concert magkakaroon ng motorcade paikot sa Araneta Center sa Cubao na magsisimula ganap na 2:30 ng hapon. May mga inihandang floats mula sa various Viva companies like Viva Films, Viva Music Group, Viva TV, Viva Video, Viva Vintage Sports at Video City. Sasakay sa float ang malalaking stars ng Viva tulad nina Christopher de Leon, Regine Velasquez, Edu Manzano, Janno Gibbs, Ogie Alcasid, Blakdyak kasama ang mga sikat na sports figures tulad ng mga PBA players at marami pang iba.
Pagkatapos ng motorcade, sisimulan ang Vivas & I concert.
At sa mga kababayan naman natin na nasa kanilang bahay lang, magpi-premiere ngayong gabi sa Viva Box Office sa IBC 13 ang Bulaklak ng Maynila.
Susundan ito ng Who Wants To Be A Millionaire with host Christopher de Leon. Magsi-celebrate ang WWTBAM ng kanilang first anniversary sa November 13.
Incidentally, magsi-celebrate naman ng first month on the air ang Weakest Link ni Edu Manzano na ngayon ay lalong tumataas ang rating.
Isa pang anniversary presentation ng Viva ay ang latest movie ni Janno na Weyt A Minit, Kapeng Mainit na dinirek ni Ben Feleo.
Kasama ni Janno sa nasabing pelikula si Blakdyak with Geneva Cruz and Angela Velez. Magsisimula itong mapanood sa November 14.
Sa last week ng November, iri-release ng Viva Films ang Pagdating ng Panahon starring Robin Padilla at Sharon Cuneta under the direction of Joyce Bernal and also stars Rufa Mae Quinto, Bing Loyzaga, Amy Austria, Bernard Palanca among others.
Sa December din, ipalalabas ang big-bugeted na period movie, Tatarin na intended sa Metro Manila Film Festival. Tatarin is directed by Tikoy Aguiluz starring Dina Bonnevie, Edu Manzano, Rica Peralejo, Raymond Bagatsing, Chin Chin Gutierrez, Patricia Javier, Carlos Morales, Ces Quesada at iba pa.
Maglalabas naman ang Viva Records ng live recordings ng kanilang leading artists. Kasama sa line-up ang performances nina Regine Velasquez, Jaya, Lani Misalucha, Freestyle at Andrew E. Magkakaroon din ng bagong album si Ogie Alcasid sa Viva Records.
Ang Disney Records na licensed sa Viva Music Group ay may schedule na i-release na The Best of Winnie the Pooh and Tigger Too at ang soundtrack ng blockbuster motion picture "Monsters, Inc." Isang bagong animated film starring Winnie and his friends titled "The Book of Pooh, Stories from the Heart" ang naka-schedule na ring i-release ngayong buwan mula sa Viva Video.
Also coming mula sa Disney na release ng Viva Video ay ang mga classic na Snow White and the Seven Dwarfs sa unang pagkakataon sa DVD.
Magkakaroon na rin ng copy sa video ang Pearl Harbor, Moulin Rouge at and new version ng Planet of the Apes.
Inilunsad ang Viva noong November 11, 1981 ng recordman na si Vic del Rosario kasama ang namayapang asawang si Mina Aragon sa pamamagitan ng pagpapalabas ng P.S. I Love You starring Sharon Cuneta and Gabby Concepcion, directed by Eddie Garcia. Since then, lumago na ang Viva bilang isang major force sa local entertainment industry.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended