Rosana, kinikilalang tagapagmana si Rica
November 9, 2001 | 12:00am
Sa bibig na mismo ni Rosanna Roces nanggaling na si Rica Peralejo ang tagapagmana ng kanyang korona bilang bankable sex goddess na ikinatuwa naman siyempre ni Rica.
"At least, sa kanya na nanggaling. Hindi yung sasabihin na naman ng ibang tao na nagki-claim ako ng isang bagay na wala namang proof," sabi agad ni Rica.
"Im really flattered kasi ganun na rin kalaki yung tiwala niya sa akin. Rosanna Roces na siya no at lahat ng sasabihin niya para sa akin matters a lot," dagdag pa ni Rica.
Sa ilang survey na isinagawa ng isang talk show kung sino ang pinaka-sosyal na sexy star at kung sino ang dapat maging box-office queen sa taong ito ay nanguna ang pangalan ni Rica.
"Honestly, na-shock ako. Hindi ko ini-expect na ako yung magta-top sa survey nila. Don sa box-office queen survey nila, nandon din si Regine and shes also at the top. Hindi lang naman ako.
"Mas dagdag pressure nga lang yang ganyang mga survey-survey dahil mas magiging matindi ang expectations sa yo ng tao. Like after Dos Ekis, people are expecting kung ano pa yung gagawin ko sa next movie ko," sabi pa niya.
Paano kaya naapektuhan si Rica ng status niya bilang numero unong sexy star ng showbiz? "As Ive said, mas matindi lang yung pressure, pero wala pa rin namang mga drastic changes na nangyayari especially sa personal na buhay ko. Medyo hectic lang yung schedule ko, pero naha-handle ko pa naman," tugon niya.
Tanggap ba niya na siya ang bagong Rosanna Roces ng showbiz? "Nag-iisa lang si Ate Osang. Marami pa akong dapat gawin. Mas matapang din siya kesa sa akin lalo na sa mga role na tinatanggap niya at hindi ko pa alam kung kakayanin ko rin yon." (Ulat ni Leo M. Bukas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended