Mas naging popular si Angelika sa GMA 7 bilang pantapat ng network sa mga soap opera series na tinatampukan nina Claudine Barretto at Judy Ann Santos sa Dos. Parang prinsesa rin naman ang turing ng GMA kay Angelika at sa halos lahat ng importanteng shows ng Syete ay syempre headliner si Angelika. Sa pelikula ng GMA Films, Deathrow, noong nakaraang MMFF, ka-partner ni Angelika ang young lead actor na si Cogie Domingo pero ang focus ng pelikula ay nasa mga male stars tulad nina Cogie at Eddie Garcia kaya natural lamang na hindi gaanong kapansin-pansin ang papel ni Angelika.
Kahit gaano kalalaking bituin sa telebisyon, syempre iba rin ang kasikatan bilang film star. Kaya sa palagay ko mas may advantage si Angelika kung isang romantic drama ang kanyang gagawing back to the big screen project. Pero siguro naman alam ng kanyang mga career handlers ang dapat niyang maging diskarte.
At ngayon, hindi ko alam ang dahilan ng pagbabalik ni Claudine. Ito kaya ay dahil kailangan ng show ng ratings o commercially bumababa na ang popularity ni Claudine at kailangan na niya ang Home Along to again boost her career. Ayon sa isa lang ABS-CBN staff, pinakamahina raw sa ratings at appeal ang soap opera ni Claudine. Mas patok pa raw ang soap opera ni Kristine Hermosa pero nangunguna pa rin daw ang pinagbibidahan ni Judy Ann.
Napapansin din ng marami na parang humihina ang hatak ni Claudine sa big screen di tulad noong magka-loveteam pa sila ni Mark Anthony Fernandez. Walang masyadong ingay ang Claudine-Rico Yan loveteam lalo pa nga nang kumalat ang balita na talagang they are having a real relationship outside their television persona. Matagal-tagal din namang hindi nakikita sa big screen si Claudine and I think it is about time Star Cinema think up a brand new role for Claudine. Yung magbabalik ng kanyang ningning as a star and studio mainstay.