^

PSN Showbiz

'Di mawawala ang D'Buzz'

- Veronica R. Samio -
Marami ang nagtataka kung bakit may mga lumalabas na balita na diumano ay matatanggal daw ang programang D’Buzz na pinagsasamahan nina Boy Abunda at Kris Aquino. Nakapagtataka syempre ito dahil ayon sa ABS-CBN, isa ito sa mga programa nila na may mataas na rating.

Lalong nagtumining ang hinala ng marami nang mapabalitang binigyan si Boy ng kanyang kauna-unahang primetime network special. Inaari nilang pampalubag kalooban lamang ni Boy ang nasabing palabas na mapapanood sa Nobyembre 11, sa ika-9:30 ng gabi.

Sa isang naunang presscon na ginanap para sa nasabing palabas, niliwanag ni Boy na hindi totoong mawawala sa TV ang D’Buzz. Nagtataka nga raw siya kung saan nanggaling ang balita. Kinausap naman niya ang pamunuan ng ABS-CBN para bigyan linaw ito at siniguro naman nila na walang katotohanan ang mga balita. Hiniling pa rin ng mahusay na TV host sa mga namumuno ng Dos na kung sakaling magkakaroon ito ng kaganapan ay una nila siyang pasabihan para hindi naman siya lumabas na kahiya-hiya kapag siya ang huling nakaalam.

Samantala, ang 2001: Most Interesting Personalities With Boy Abunda ay maihahalintulad sa ginagawa ng idolo ni Boy na si Barbara Walters. Pinagtutulungan itong buuin ng isang experienced team mula sa mundo ng entertainment, news at theatre para bigyan buhay ang mga tao na itinuturing niyang most intriguing sa bansa. Ito ay sina Bobby Garcia, ang direktor ng stage versions ng Rent at Jesus Christ Superstar. Magdi-direct ito ng ilang segments, tulad din ng ABS-CBN correspondent na si Abner Mercado. Katulong din sa special ang tatlong kabataan na gumawa ng maraming ABS-CBN music videos at specials na sina Alco Guerrero, Luigi Santiago at Jojo Saguin. Writers naman sina Senedy Que, Dolly Ann Carvajal at Anne Torres. Producer si Ethel Espiritu.

Pinaghalo sa 2001: Most Interesting Personalities ang bago at klasiko, pulitika at showbis. Gaya nina Martin Nievera, Gary Valenciano, Piolo Pascual, Senators Ralph Recto and Kiko Pangilinan, ang dating prinsesang si Ayen Munji Laurel, ang cancer survivor na si Rio Diaz-Cojuangco, ad executive Emily Abrera, Ernie Baron, interior designer Tessa Prieto Valdez at Col. Victor Corpuz.
*****
Matapos niyang punuin ang Downtown ng Rembrandt Hotel, magkakaroon ng repeat performance dito ang hanggang ngayon ay itinuturing pa ring "the best act" pagdating sa lounge performances, si Malu Barry. Magaganap ito sa Nobyembre 21, 9:00 ng gabi. Makakasama niya sina Richard Villanueva at si Jo Awayan.
*****
Totoo nga yung nabuong hinala sa isip ng mga nakapanood ng pelikulang Red Diaries ni Assunta de Rossi. That she has the makings of a fine, young actress at isa siya sa kikilalaning importanteng bagong artista sa pelikula.

Sa kanyang latest movie sa Regal Films na dinidirek ni Joel Lamangan, ang Hubog, nagpakita siya ng isang highly-textured performance na magpapatotoo sa hinala ng mga manonood. Maganda ang kumbinasyon ng kanyang sex appeal at ang acute directorial sensibilities ni Lamangan dahil nagawang hubugin sa pelikula ang Assunta de Rossi mystique to its deadliest form!

Kabituin sa Hubog si Alessandra de Rossi at ang pagiging magkapatid nila sa tunay na buhay ay dinala nila sa big screen. Inaasahan din na magtatangka ang nakakabatang De Rossi na nakawan ng eksena si Assunta at kung magtatagumpay siya o hindi ang siyang susubaybayan sa Hubog na tinatampukan din nina Ryann Eigenmann, Joanne Quintas at marami pa. Introducing si Yo Ocampo.

vuukle comment

ABNER MERCADO

ALCO GUERRERO

ANNE TORRES

ASSUNTA

AYEN MUNJI LAUREL

BARBARA WALTERS

BOBBY GARCIA

HUBOG

ROSSI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with