Ito ang buod ng resolusyong ipinalabas ng 2001 MMFF Special Executive Committee (Execom) noong 31, Oktober 2001 sa isang pulong na ginanap sa Mandaluyong Room MMDA Bldg. 2nd Room, Guadalupe, Makati City.
Pinagkaisahan din ng komite na ang bagong deadline sa pagsusumite ng letters of intent ng alin mang movie outfit na ibig sumali sa festival ay hanggang 10, Nobyembre 2001.
Gayunman, mananatili pa rin ang Nobyembre 14, 2001 bilang deadline para sa pagsusumite ng mga official title na mga isasaling pelikula.
Ang 2001 Metro Manila Film Festival ay magsisimula sa Disyembre 25 at magtatapos sa Enero 3, 2002.
Magaganap ang parade of stars sa Disyembre 24. Magsisimula ito sa Cultural Center of the Philippines, (CCP), dadako sa Baclaran at saka magtatapos sa Quirino Grandstand sa Luneta.
Pitong (7) pelikula lamang ang sasali sa film festival para sa taong ito.
Ang gabi ng parangal ay gaganapin sa Philippine International Cultural Center (PICC) Reception Hall sa Disyembre 27.
Napag-alaman din na si Mayor Reynaldo Malonzo ng Caloocan City ang nahirang na Chairman Screening Committee.