At kung ang kapalit nito ay ang paghuhubad niya sa pelikula kahit hindi madaling gawin ay pinaninindigan na rin niya. Dahil trabaho lang ito. Malayo ito sa tunay niyang pagkatao.
Hindi naman nagpapakita ng katawan si Rica ng walang kapararakan. Batid din niyang hindi niya ito gagawin habang buhay. Ga-graduate rin siya sa ganitong role. At umaasang magkakamit din siya ng award balang araw.
Sa kabila ng pagpapa-seksi, Rica has remained the simple person that she has always been. Hindi mahilig sa kontrobersya, not even when provoked. Ayaw ding makipag-away, hindi dahil takot kundi naniniwala siyang wala itong saysay. "Napaka-liit lamang ng mundo ng showbiz at napaka-kokonti lamang naming mga artista para mag-away away pa kami. Bukas-makalawa ay baka magkakasama pa kami sa trabaho. Magkakailangan pa kami. Mabuti nang huwag patulan ang tsismis na pinagmumulan ng aming hindi pagkakaintindihan. For all we know, iniintriga lang kami, pinag-aaway," aniya.
After the success of Dos Ekis, inaabangan na ang Tatarin na sinasabing kaabang-abang ang kanyang performance. LMS