Lakbay-Bulacan ng movie press

It was in one of the entertainment editors’ tete-a-tetes with the beauteous governor of Bulacan, Josie dela Cruz, na sinabi niyang isa sa mga araw na ito ay iimbitahin niya kami sa Bulacan para maipakita ang malaking kaunlaran nito. Pero, pumunta muna siya para mag-seminar sa London kung kaya inabot din ng ilang linggo matapos kaming makapag-dinner bago namin tinanggap ang isang paanyaya mula sa kanyang opisina para sa isang buong araw na Lakbay-Bulacan.

Naiskedyul kaming umalis ng ika-4:00 ng hapon nung Sabado, Nobyembre 3 pero, dahilan sa may naunang imbitasyon mula sa kasamang Ed de Leon para sa isang huling presscon para sa pelikulang Kapitan Ambo Outside de Kulambo ng FLT kung kaya na-delay ang aming biyahe ng alas-9:00 ng gabi.

Sakay ng dalawang Adventure at sa sundo ng exec. assistant ni Gov. Dela Cruz na si Mila Doctolero at ilan pa niyang kasama, lumakad kami nina Eugene Asis, Butch Roldan, Nap Alip, Letty Celi, Vir Gonzales, Remy Umerez, Danny Vivas, Joperd Nievera, Eli Formaran na siyang nag-ayos ng tour at ang kanyang staffer na si Sita. Nauna muna kaming tumuloy sa Paradise Resort sa Malolos na kung saan ay magpapalipas kami ng gabi. Nag-dinner kami sa Rock Castle Bar sa Marilao, nakinig ng kaunting music ni Jimmy Bondoc at ng kanyang banda sa Zebra Club sa Malolos at namaos sa kakanta sa Shintaro Japanese Sing-Along Bar, sa Malolos din, bago kami bumalik ng Paradise Resort para matulog at 3:00 am. Pagod pero, masayang-masaya dahil nairaos naming lahat ang aming frustration sa pagkanta. Wala ni isa man sa amin na tumangging kumanta, nasa tono man o hindi.

Kinabukasan, Nob. 4, bagaman at naka-iskedyul kaming lumakad ng alas-8:00 ng umaga para sa pormal na pagsisimula ng aming "tour", 9:00 na kami nakalakad.

Dahil Linggo, first stop was the historic Barasoain Church sa Malolos na kung saan ay nakinig kami ng Banal na Misa. Medyo nagulat ako dahil maliit lamang pala ito. Nagtaka ako kung paano nagkasya dito ang maraming dumalo sa inagurasyon ni ERAP nung mahalal itong Pangulo ng bansa. Sa Second floor nito ay isang galerya na nagtatampok at nagpapakita ng kasaysayan ng ating kasarinlan. It was a most educational stop dahil for 20 minutes we were shown an audio-visual presentation ng ating maraming taon ng pakikidigma para makamit natin ang ating kalayaan sa mga Kastila. Ang pag-aaral ng Philippine history sa paaralan na apat na taong inaabot ay na-review namin in 20 minutes lamang.

Next stop was the Butterfly Haven in Pulilan, Bulacan na kung saan ay inilibot kami ng isang napaka-grasyosang nagmeme-ari na isa palang Deputy Commissioner ng BIR, at isang magaling na poet, si Estelita Aguirre, na bagaman at patuloy pa rin sa pag-aaral ng tungkol sa paru-paro ay nakapag-pakita at nakapagturo sa amin ng maraming kaalaman tungkol sa maliit pero napaka-gagandang nilikha rin ng Diyos.

Bago kami lumibot sa hardin ng mga paru-paro at magagandang halaman, nanood muna kami ng isa pang audio-visual presentation ng mahahalagang bagay tungkol sa paru-paro. But it was nothing compared to the actual experience na makita ang mga paru-paro na lumalabas mula sa pupa. Nakita rin namin kung paano sila mag-mate. Katulad din ng kung paanong ang isang bata sa sinapupunan ng kanyang ina ay pinaparinigan ng musika, may musika rin sa hardin ng mga paru-paro na nagsisilbing musika sa kanilang paglipad.

The old house that used to be a home to the family of the Commissioner, ay hindi lamang naging haven ng mga butterflies, kundi naging isa ring gallery na nagtatampok sa mga paru-paro sa magagandang painting na ginawa ng mga kilalang pintor at maging ng mga malikhaing kabataan na nadi-diskubre sa mga painting exhibit, contest and seminar na itinataguyod ng Butterfly Haven. Madalas ding gamitin ang bahay sa mga shooting ng pelikula at taping sa TV.

This is where the lovely governor joined us but she said she had to leave immediately dahil isiningit lamang niya kami sa napaka-rami niyang lakad ng araw na iyon. Anyway, nasa mabubuting kamay naman kami ng kanyang staff. Pero bago siya umalis, inihatid pa muna niya kami sa lugar na aming kakainan. It was already past 2 pm.

Bago namin narating ang La Famila Restaurant sa Baliuag, dinaanan namin ang mga lumang bahay sa Kamestisuhan sa Sto. Niño, Malolos. Para ring nasa Vigan kami dahil ang mga lumang bahay dito ay para ring bahay sa Ka-Ilokanohan. Maraming bahay ang na-restore na pero hindi nasira ang orihinal na kaanyuhan ng mga ito.

Dinaanan din namin ang opisina ni gobernador, ang kapitolyo, na kasalukuyang nire-renovate at pinagaganda. Dun nakita namin ang larawan ng lahat ng naging gobernador ng Bulacan. Nag-iisang babae lang pala si Gobernador Dela Cruz.

Bago sa Orchid Farm sa San Rafael at Biak na Bato sa San Miguel na naging site of the parliamentary gov’t of Gen. Emilio Aguinaldo, kinailangang bumalik kami ng Paradise Resort to freshen up at para maihanda rin ang aming mga gamit para sa tuluy-tuloy na pagbabalik ng Maynila. Pero, nasira ang aming plano sapagkat brown out sa lahat ng aming dinaraanan. Brown out din at patay ang telepono sa resort. Dadalawa lang ang istasyon na may palabas sa TV.

I got a message from my cellphone from my daughter saying na black out sa buong Luzon. Pwede bang umuwi na ako?. Malakas daw ang bulung-bulungan na baka magkaroon ng coup-d’etat. Syempre ang nerbyosang nanay had to be a killjoy and convinced everybody na umuwi na lang kami. Itutuloy na lang namin ang tour some other day. Besides, gumagabi na. Naintindihan naman kami ng staff ni gobernador. At siguro, blessing in disguise dahil pagod na rin sila sa kabibiyahe at kapapaliwanag sa amin. They were more than willing to bring us back to Manila at makatapos ang mahaba-haba ring traffic (napasabay kami sa pag-uwi ng marami mula sa probinsya para sa Araw Ng Patay). Bago mag-alas-8:00, we were in QC and on our way home.

Tsismis lang pala ang coup, may nasira lang palang mga planta ng kuryente sa Pangasinan at Batangas kaya nag-black out. But it was better to be safe than sorry. Besides, it was a happier time to be with the family kahit lahat kami ay tumutulo ang pawis sa init sa kawalan ng kuryente habang nakikinig ng radyo para sa mga panghuling balita.

Show comments