Francis & KC nawala sa dilim

Nabisto sa shooting ng pelikulang Sakim ang sikretong relasyon nina Francis Enriquez at KC Castillo. Nabisto ito noong bigla silang mawala sa shooting na ginanap sa Bagak, Bataan. Nagkaroon lang sandali ng shooting break. Biglang nawala sina KC at Francis. Wala man lang makapagturo. Maging ang assistant director na si Vic Hangin at scriptwriter na si Gani Recio ay walang masabi. Ni hindi maituro kung saan nagpunta ang dalawa. Ang dilim-dilim kasi ng paligid. Natatawa na lang sina Alma Soriano at Jeff Gonzales na kasama sa pelikula.

Ibig bang sabihin nito, naunahan ni Francis si Jeff kay KC? Type rin kasi ni Jeff si KC kahit hindi pa nila ginagawa ang pelikula. Pero pabagal-bagal ng kilos ang baguhang actor kaya ayun naunahan siya. Mabilis talagang kumilos si Francis. Ang nakakataka lang, walang inaamin si KC tungkol sa kanila ni Francis. Pero hindi ba’t may ka-live in si Francis? At ang balita pa ay may dalawa itong anak? Vir Gonzales

Show comments