^

PSN Showbiz

Kristine, iwas intriga

THE YOUNG CRITIC - THE YOUNG CRITIC ni Jennifer Miranda -
Sa kasalukuyan, siguro wala nang aagapay pa sa mga young stars kay Judy Ann Santos sa pagka-popular at lakas sa takilya na siya namang una at natatanging sukatan sa pagiging isang ganap na bituin. Ang ratings umano sa telebisyon ay namamanipula, ang mga awards daw ay nabibili o dili kaya napapakiusap, ang promo at publisidad ay hawak ng mga producers kung popondohan o hindi, at ang mga pakulo sa intriga at tsismis na batayan din kung minsan ng popularidad na naiimbento ng mga manager at artista mismo. Pero ang resulta sa takilya ay hindi matatawaran o makukuwestiyon bilang matibay at tunay na palatandaan ng tagumpay sa pelikula. Humahangos ang mga popular na mga stars sa mga awards night lalo pa nga kung sila ay nominated sa mga kategoryang pinaglalabanan, pero tunay silang nagdadasal na sana ang kanilang movie ay swertehin at dumugin ng manonood. Masarap ngang manalo ng best actor o best actress, pero ang mapatunayang blockbuster ang iyong pinagbidahang pelikula ay isang tagumpay na maghuhudyat pa ng susunod na mga projects.

Pero ang kasalukuyang success ni Judy Ann ay hindi masasabing kapantay ng mga nakaraang career success nina Amalia Fuentes, Susan Roces, Nora Aunor, Vilma Santos o Sharon Cuneta na mas lamang ang hit sa takilya kaysa flops. Ngayon base sa mga current records ng mga booker sa bawat blockbuster movie ni Juday, may isang flop na siyempre sa kanya isinisisi. Matumal na ngayon ang pelikula ni Jolina Magdangal at Claudine Barretto. Si Angelika dela Cruz ay ngayon pa lamang sasagupa sa big screen projects.

Pinasisikat pa lamang si Kristine Hermosa pero parang napakatahimik nito, at maamo ang personalidad sa anumang anggulo kaya’t walang masyadong balita na maimbento tungkol sa kanya. Iwas intriga yata ang drama ni Kristine, di tulad ng ibang aspiring superstars tulad ng mga bagong sexy stars na sina Rica, Assunta, Raven at iba pa. Sa mga baguhang ipinakikila ng Star Cinema at maging ang mga bagong bagets ng Regal ay parang walang masyadong potential. May nagsasabi naman na ang mga studios at network ay sabay-sabay ang pagpapakilala sa mga baguhan kung kaya’t hindi sila makapag-concentrate sa isang aktor o aktres.
Pinag-aaralan din ang intriga
Ang tsismis o intriga na bumabalot sa isang artista ay kailangan din na ayon sa image nitong ipino-project. Kapag wholesome ang projection ng isang artista, kailangan tama lang ang timplada ng mga intriga at baka sumobra, magkaroon ng backlash at ma-turn off ang mga tao. Halimbawa kay Judy Ann dumaan nang lahat ang intriga tungkol sa kontrobersiya sa kanyang parentage, sa kanyang manager, sa kanyang lovelife. Pero dapat walang intrigang malaswa tungkol sa kanyang personalidad.

Ang mga romansa ni Juday (marami-rami nga rin ito) kay Rico Yan, Wowie de Guzman, Piolo Pascual at kung kani-kanino pang nakakasama niya sa pelikula (pati na si Mikey Arroyo) ay may pakulo na pinatitingkad lamang ang reputasyon ni Judy Ann bilang isang kaibig-ibig at bagay lamang sa paghanga ng mga kalalakihan. But the gossip and intrigues are only to a certain point that does not compromise her future plans. Example, her recent relationship with Piolo Pascual is full of press speculation para nang sa gayon ay makikita ng mga fans na sweet na sweet sila. This is just to keep them guessing.

Sa mga pinasisikat na mga bold stars, syempre mas maaanghang ang intriga. Example lahat ng mga lalakeng nagdaan sa buhay ni Joyce Jimenez ay dinedetalye pati na ang kanyang pakikipag-live in noong araw kay Jay Manalo, noong no-name starlet pa lang siya na di pansin ng Viva. Pero nang sumikat na siya bilang ‘Pantasya ng Bayan’ sa Scorpio Nights 2, nag-focus na sa kanya ang atensyon ng Viva at parang na-pirate na siya ng Star Cinema na siyang may hawak ng kanyang kontrata. May replacement naman agad si Joyce sa Viva na si Rica Peralejo at bago siguro makuha ng ibang studio si Rica, may kasunod na siyang bagong sexy star–si Raven Villanueva.

Pero ayon din sa record, parang maigsi lang ang life-span ng mga boldies. Ewan natin kung magiging popular pa si Ina Raymundo pagkaraan niyang magsilang ng sanggol sa Canada. Hindi na rin maingay si Priscilla Almeda kahit may ilan pa siyang pelikulang hindi pa naipapalabas. Maging ang flawless na si Rosanna Roces ay paminsan-minsan na lang gumawa ng movie. Ang mga one-shot season boldies ay madali din naglaho tulad nina Yda Manzano, Ynez Veneracion, Halina Perez, at kung sinu-sino pang nangarap ng isang movie carer sa pamamagitan ng paghuhubad.

Buti na lang si Izza Ignacio ay may natisod na bagong career bilang komedyante. Tuwang-tuwa ako sa kanya sa Mary D’Potter dahil kahit supporting ang role niya, napapansin pa rin siya sa kabila ng acting talents nina Maricel Soriano, Meryll Soriano, Mel Martinez at Herbert Bautista na pawang mga beterano na sa TV comedy.
Gracia, no.2 sa survey
Na-interview ni Paolo Bediones si Gina Celso, ang mestisang taga-Norway na siyang Gracia ni Billy sa PLDT commercial series. Half-Pinay si Gina at pinabulaanan niya ang mga tsismis tungkol sa kanyang pagkaka-link sa isang senador at sa kanyang masamang kapalaran bilang isang kidnap at rape victim. Yun daw ay bahagi lamang ng script sa isang segment ng commercial na siyang itsinitsismis ng isang bading na kaibigan ni Billy sa nasabing commercial.

Pero popular na popular na si Gracia at sa mga surveys ng showbiz talk shows, pumapangalawa siya sa mga fans na may nais na mag-artista na siyang tuluyan. Si KC Concepcion ang first choice ng bayan para pasukin na ang larangan ng showbiz pero ayaw pa yata ni Sharon Cuneta. Matindi rin ang response kina Borgy Manotoc at Lucky Manzano na mag-artista na rin. Ang problema nga lamang kina Borgy at Gracia ay pareho silang hirap mag-Tagalog at mahihirapan silang pasukin ang local movies at baka lamang magaya sila kay Troy Montero na hindi umaangat-angat ang movie career dahil garil sa Tagalog.
*****
Email: [email protected].

GRACIA

ISANG

JUDY ANN

KANYANG

LAMANG

PERO

PIOLO PASCUAL

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with