Naka-maong jacket and jeans si Diether nang gabing iyon. Kumikinang ang mga mata niya kapag si Joyce Jimenez ang paksa. "Bukas pa yung Cilantro, close na kami ni Joyce. Hindi lang pinag-uusapan because we were not under the public eye before. Even if she grew up in the States, shes very Pinay. Yon bang typical Pinay na cariñosa at malambing. Ang galing niya talagang maglambing. Natural. Hindi kaparis ng iba na hindi mo alam, nasa loob pala ang kulo!"
Pinatatamaan niya kaya ang ex-girlfriend niyang si LJ Moreno? Kamakailan, nabalitang nagkita silang dalawa sa gym na pinupuntahan nilang pareho. Dinedma lang daw ni Diet si LJ. "I didnt ignore her," paniniyak ni Diether. "I dont know why she would be saying that. Probably, shes keeping something or whatever. Everytime we see each other in the gym, either patapos na siya or ako. Nagsasalisihan kami."
Reaction ni Diet sa balitang may Shawn Jones na si LJ. "Im really happy for her. Siguro, this time, mas makakasundo niya yon. Nung kami pa, there were some areas na hindi kami nagkakasundo. Shes a lot younger. She still likes to party a lot. I am more on the career path. I am trying to prepare something for the family I am having eventually. LJ has discipline naman. Parang Im anti-social, more of a homebody."
Apat na taong relasyon iyon, off and on, sabi ni Diet. "Its a closed book already. Wala nang possibility na magkabalikan pa kami. Its over."
Ano naman ang inasahan niya sa relasyong magkaibigan nila ni Joyce? "We never expect anything from each other. Whatever we have right now, as long as were happy, thats more important for us. Its hard to put a definition. Mas gusto ko yung ganito, walang commitment. Pag nag-commit kayo sa isat isa at dumating yung time na its over na, parang nag-gamitan lang kayo, di ba? I hope, things would not turn out that way."
May-ari ng isang bar si Diether sa Ano Bang Meron Ka?. Si Joyce ay isang party planner. Una silang nagkita sa Boracay at kumabog ang puso nila. Sa bar mismo ni Diet ang sumunod nilang pagtatagpo. "Sa set, laging happy si Joyce," kuwento ni Diether. "You hardly have a dull moment with her. Para siyang hyper lagi. Ang tagal niyang patigilin sa katatawa lalo na kung seryoso ang eksena."
By the time na lumabas ang artikulong ito, nasa Los Angeles at San Francisco, USA na si Diether kasama ng ibang miyembro ng The Hunks kasama rin si Rosanna Roces. Isang linggo sila roon. Umalis ang grupo noong October 31. "Masaya kami sa grupo. We get to be ourselves. Minsan kasi, pag may pino-project kang image, nagiging stiff ka."
Ano ang reaction ng members ng The Hunks sa rumor na may isang bading sa kanilang grupo? Nagturuan ba sila? "Lahat naman ata ng actor, dumaan sa ganung hinala. Nasa may katawan yon. Kung magpapaapekto ka."
Ang pinakagrabeng intriga na ayaw ni Diether ay yung ang sarili niyang pamilya ay mai-involve. "Anything to do with my family, medyo sensitive ako diyan," amin niya. "Pag sa akin lang ang intriga, okey lang. Parang Im used to it na."
Yung intriga na inili-link siya sa kanyang manager ay iba ang pananaw niya. "Here in showbiz, its typical, theres already an existing third sex. As a normal person, I am not open to that. Para sa akin, na-culture shock ako. But then, you have to accept it, its part of the business. Noong una, affected ako. But then, eventually, sigurado naman ako sa sarili ko, kung sino ako. I know the things that I do. As long as I dont get to hurt anyone. Here, damn if you do, damn if you dont. People would still talk even if you dont do it. The same people would talk bad things about you. I am well-secured about myself."
Si Diether ay dating bartender sa Steel Bar Quezon City nang madiskubre sa pelikula. Nang pasukin niya ang showbiz noong 1996, kaagad siyang nagsolo matapos bilhan ng bahay ang nanay niya at tatlong kapatid. Siya ang panganay. "My dad died when I was 6 years old. My mom raised us all alone. Parang siya na rin yung father namin."
Itinuturing niyang utang na loob niya sa ABS-CBN Talent Center at kay Johnny Manahan ang tagumpay niya bilang aktor ngayon. Kasama na rin dito ang Star Cinema at si Malou Santos. "The hardest stage for an actor is the first stage," sabi niya.
Una siyang napansin sa Soltera na pinagbidahan ni Maricel Soriano. Umani rin siya ng papuri sa Bukas na Lang Kita Mamahalin kasama si Angelu de Leon at pinag-usapan ang total nudity niya sa La Vida Rosa. Hindi gaanong pinuri ang acting niya rito. Ang pinuri ng mga kritiko ay ang acting nina Rosanna Roces, Liza Lorena at ng batang si Jiro Manio. Sabi ni Diether, "Inanticipate ko na yon! It means I got to work harder. Thats my motivation whenever I am criticized for my acting.
Wala pa siyang acting award. "Sa totoo lang, mas marami pa akong nakuhang award sa fashion industry kaysa sa showbiz. Parang I am not expecting anything in the movies. As long as people get to appreciate me as an actor, that is more important than recognition, di ba?" sabi ng 25 anyos na aktor na nakarating ng second year Physical Therapy course sa La Salle, Cavite.
At kailan niya planong mag-asawa? "Pagdating ko ng 30 plus. Ang dami ko pang gustong mangyari sa buhay ko. Gusto ko pang bumili ng bahay sa Alabang. Kung wala akong masyadong gagawing movies next year, gusto kong mag-concentrate sa mga business, kung ano ang feasible sa klase ng economy natin ngayon."