Sa Monday, November 5 kasi ang due niya.
Ilang linggo ring nag-bed rest si Charl dahil na rin sa advice ng doctor. Through caesarean operation ang delivery ng actress dahil naguunahan ang kambal sa paglabas.
Saka yun na rin daw ang gusto ni Aga. Puwede sanang normal pero feeling ni Aga baka mahirapan pa si Charlene kaya mas okey nang i-caesarean.
May pangalan na ang twins - Antonio Andres and Atasha Aaron.
Hindi na rin daw umaalis ng bahay si Aga dahil gusto niyang parating katabi ng asawa para anytime na manganak ay nasa tabi siya. In fact, hindi na tumatanggap ng kahit anong commitment ang actor.
Next year na magri-resume sa trabaho si Aga.
Very seldom ding tumanggi sa pelikula ang actor. In fact, tapos na siya ng shooting ng Bro under MMG Productions na intended for Metro Manila Film Festival - susunod na ipalalabas after Kapitan Ambo...
After this, sila naman ni Andrew E ang magkasama sa isang movie sa Viva Films. "Wala pang definite sa movie namin ni Andrew, pero gagawin namin yun before the end of the year," he avers.
Anyway, 52 years na sa showbiz si Eddie. Pero hanggang ngayon, parang walang nagbago sa kanya. Nandon pa ring yung kakaibang appeal niya. Pero sa kabila ng matagal na panahong yun, hindi na ma-recall ni Eddie kung ano ang pinaka-memorable project niya. "Its hard to recall, pag na-mention ang title naaalala ko. Pero yung sasabihin mong mami-memorize ko, hindi."
Hindi na rin niya alam ang exact number ng nagawa niyang pelikula - ang estimate number niya, more than 300. In fact, halos lahat ng artista ay nakasama na niya sa pelikula. Mula sa mga sumikat since 1950s hanggang sa kasalukuyan.
Kahit ang mga napanalunan niyang award ay hindi na rin niya alam kung ilan. "Yun kasing ibang trophy nasunog. May ilang natira, pero konti na lang." Ang last two award niya bilang best actor ay galing Urian and Film Academy of the Philippines para sa Deathrow.
But he admits na nai-excite pa rin siya everytime na mano-nominate siya kahit saang category - best actor or best supporting actor.
Wala rin siyang kahit anong souvenir ng mga pelikula niya as in kahit clippings or copy ng kahit anong pelikula niya. "Noon may gumagawa ng scrap book sa akin. Pero nakasama rin sa sunog."
Pagdating sa pagdi-direk, 30-35 films na ang na-handle niya. Pinaka-last niyang dinirek ang ABKD...Ina starring Lorna Tolentino. Hanggang ngayon, may plano pa siyang mag-direk pero naghihintay pa siya ng tamang project. "Im just waiting for the right project. Ngayon kasi wala pa akong makitang magandang material."
In any case, willing din siyang mag-balik TV kung may magandang offer. Actually, nagkaroon na siya ng show sa Channel 7 - Si Manoy at si Mokong na tumagal din ng two seasons. Nakasama niya sa nasabing show si Janno Gibbs.
At pag wala siyang ginagawa, nagta-target shooting siya at may time na sumasali si Eddie sa shooting competition.
At any rate, kapitan ng barangay na nagkaroon ng problema sa kanyang pagkalalaki ang role ni Eddie sa Kapitan Ambo, Outside de Kulambo. Hanggang hiwalayan siya ng kanyang asawa dahil wala na ngang silbi ang kanyang pagkalalaki.
Sidekick niya sa movie si Long Mejia with Isabel Granada and Klaudia Koronel. The movie is set to kick off on November 14.
"Ayokong ma-shock ang tao. Nakilala nila akong wholesome, so tama na yung daring lang," she said. Hanggang side lang ng breast ang ipakikita ni Geneva. Walang kinalaman si KC Montero sa decision ng singer sa kanyang career. "Wala namang puwedeng makapigil sa gusto kong gawin. May sarili akong prinsipyo and besides nakilala niya (KC) ako ng ganito kaya hindi ako puwedeng pigilan ng kahit sino," she explains
As much as possible, ayaw pag-usapan ni Geneva ang relationship nila ni KC. Pero sinagot niya yung tungkol sa pasuan issue sa birthday party ni KC kamakailan. "Hindi ako ang nampaso. Were talking about something important. Napaso yung girl, hindi ko siya pinaso," she clarifies.
Anyway, may consent naman siya sa pagpapakasal ng kanyang estranged husband na si Paco Arispacochaga. "Actually, he called me up. Dini-discourage ko sana siya. Pero siya rin naman ang masusunod in the end, so hayaan na lang natin.
"Noon pa kami in good terms ni Paco. Nandito pa rin naman ako for him and may anak kami."
At kung nag-settle na si Paco, si Geneva naman ay wala pa sa vocabulary ang kasal. "Not in the near future. Masaya ako ngayon sa buhay ko. Im not ready for marriage. Tama na muna yung ganito," she avers.
Anyway, big deal ang pagpapa-theraphy niya kamakailan. May mga nag-speculate kasi na kaya siya nagpa-therapy ay dahil sa emotional problem siya. "Nagpa-therapy ako because of my hang-ups."
In any case, by December 8, naka-schedule umalis ang buong pamilya niya. And from there, magta-try si Geneva ng singing career sa US.
Six years ago nang huling mapanood si Geneva sa pelikula. In Weyt a Minit... she plays the role of Joy na love interest ni Dik (Janno Gibbs).
The movie is under the direction of Ben Feleo for Viva Films at mapapanood din sa November 14.