Ang kaya lang ni Marcus
November 4, 2001 | 12:00am
May rumor na kumakalat na di-umano, si Marcus Madrigal ay nagda-drugs. Kapansin-pansin kasing nangangayayat siya ngayon. "Hindi po totoo yon!" sabi niya sa taping ng Kasangga noong isang linggo, episode, "The Mark Chua Story", kung saan siya ang bida.
"Nangangayayat ako kasi, nag-aaral ako ngayon. First year college ako sa International Academic Management and Economics. Full load ako, kaya busy ako talaga, eh in between, nagti-TV guestings pa ako. Saka hindi sumasagi sa isip ko ang mag-droga, kasi, unang-una, magastos, tapos, wala pa akong mapapala. Yung perang gagamitin ko sa drugs, ibibili ko na lang ng gamit ko, at least, may makikita pa ako. Talagang hindi ko alam kung bakit kumalat yang ganyang tsismis. Nabalitaan ko nga yan, pero dahil naman hindi totoo, dinidedma ko na lang."
Sabi ni Marcus, nagsisigarilyo siya at kung minsan, umiinom, minsan hard, minsan beer. "Okey naman sa Dad ko yung uminom ako, nakikita niya, kaysa naman yung magtago. Yung paninigarilyo ko naman, nakokontrol ko, hindi naman ako chain smoker."
Halos isang taon nang hindi gumagawa ng pelikula si Marcus. "Kung sa offers, meron, lalo na sa mga independent companies. Kaya lang, pag binabasa ko na yung script and it requires me to bare, tinatanggihan ko. Nagpapasabi kami na iba na lang ang kunin nila. Hindi ko kaya. Puwede, kung naka-briefs lang, gaya sa Pila Balde. Hanggang doon lang ang kaya ko."
Dating image model ng Private Property si Marcus, at kung minsan nasa out-of-town show siya kung saan siya rumarampa bilang modelo ng boxer shorts at casual t-shirts. "Yon din ang pinaka-raket ko pag wala akong TV guestings. Tapos, sa school. Siguro, kahit busy rin ako sa pelikula, Ill see to it na makatapos din ako ng pag-aaral, para kung sakali, dahil hindi naman pang-matagalan ang showbiz, I have something to fall back on," sabi ng aktor na nag-20 years old noong August 26.
Si LJ Moreno ang kapareha ni Marcus sa "The Mark Chua Story". "Matagal ko nang kilala si LJ," sabi niya, "kasi, magkaklase kami sa Home Study Program. Minsan, nagkakasabay kaming kumuha ng exams sa Angelicum. Halos pareho naming tinapos yung 4th year high school namin."
Sabi ni Marcus, nagka-crush siya kay LJ dahil maganda na, mabait pa. "Pero hindi ko siya niligawan, kasi, ang tanong, nagka-crush din ba siya sa akin? Pero gusto ko ang ugali ni LJ, simple lang siya, hindi siya mayabang, hindi siya pa-star."
Sabi ni Marcus, hindi na niya manager si Del Pascual. "Nagi-agent na lang siya para sa akin. Bale ang nanay ko na lang ang manager ko ngayon."
Dalawang taon pa bago makatapos ng Business Management si Marcus. "Kaya nga hindi ako nagmamadali, eh. Gusto ko nga, pagkatapos ko ng course ko, saka ako magpu-full blast sa movies. May one-year contract pa ako sa Regal, sa pagkakaalam ko."
Tatlong araw bago ipalabas ang Hiyas sa Paraiso ng Kasalanan, kinumbida ako ni Rodel Fernando sa preview ng nasabing pelikula, sa Leo Films office, directed by Rico Tariman. Lahat naman ng nagsipagganap ay pinagbuti ang kanilang acting pero namukod-tangi sina Daniel Fernando at Lovely Rivero. Silang dalawa ang saving grace ng pelikula. Okey din si Via Veloso, lalo na sa parte ng pagniniig nilang dalawa ni Lito Legaspi, yon bang napipilitan siyang ibigay ang sarili niya rito, dahil wala siyang choice. Ito lang ang puwedeng magbigay ng pera sa kanya sa kagipitan.
Kapansin-pansin na medyo mataba si Via sa pelikulang ito. Buti na lang at sexy pa rin siyang tingnan. Sabi ng aktres nang makapanayam ko, kamakailan, "Kung naabisuhan ako ilang linggo bago nag-shooting, I could have trimmed down a little. Biglaan din kasi, eh. Di ba kay Halina Perez muna ito? Pumalit lang ako. Yon nga, wala akong time na magpapayat."
Eh bakit naman siya tumaba? "In love kasi ako," bulong niya. Si Rafael Santos ng MBA ang tinutukoy niyang love niya. Mahigit nang two months ang relasyon nila at nakaka-inspire ito sa kanya. "Pag in love ka kasi, ang tendency mo, siya lagi ang iniisip mo. Kung ano ang makapagpapaligaya sa kanya. Minsan, hindi mo na napapansin, tumataba ka na pala dahil ang saya-saya mo.
"Pero gagawin ko yung Burara and this time, magpapa-slim na ako nang husto," patuloy niya. "Istorya ito ng magkapatid na babae na napariwara. First time akong maididirek ni Dante Boy Pangilinan. Nagpapasalamat ako at hindi ako nakakalimutan ng producer (Sixto Dy) at nasundan agad ang Hiyas."
Sabi ng publicist ng Leo Films, "Walang naging problema ang Leo kay Via. Dumarating siya on time, wala siyang star complex, hindi siya umaapir na parang walang gana o lango, at sinasarili niya ang personal problems niya.
Bakit, meron ba silang aktres na kinuha noon na ganun ka unprofessional? "Wala naman po, sinasabi ko lang na talagang walang naging problema ang Leo Films kay Via," sabi ni Rodel na merong cameo role sa Hiyas. May frontal si Via rito na hanggang ngayon ay pinag-uusapan.
"Hindi ko naman first time na mag-frontal," sabi naman ni Via," I did that first sa una kong pelikula, Isla directed by Celso Ad Castillo. Kaya lang, nung time na yon, sobrang higpit ang censors. Nagunting yung eksenang yon. Parang hindi rin ako nag-all-the-way. At least ngayon, mas objective ang MTRCB. Done in good taste naman yung eksenang iyon."
"Nangangayayat ako kasi, nag-aaral ako ngayon. First year college ako sa International Academic Management and Economics. Full load ako, kaya busy ako talaga, eh in between, nagti-TV guestings pa ako. Saka hindi sumasagi sa isip ko ang mag-droga, kasi, unang-una, magastos, tapos, wala pa akong mapapala. Yung perang gagamitin ko sa drugs, ibibili ko na lang ng gamit ko, at least, may makikita pa ako. Talagang hindi ko alam kung bakit kumalat yang ganyang tsismis. Nabalitaan ko nga yan, pero dahil naman hindi totoo, dinidedma ko na lang."
Sabi ni Marcus, nagsisigarilyo siya at kung minsan, umiinom, minsan hard, minsan beer. "Okey naman sa Dad ko yung uminom ako, nakikita niya, kaysa naman yung magtago. Yung paninigarilyo ko naman, nakokontrol ko, hindi naman ako chain smoker."
Halos isang taon nang hindi gumagawa ng pelikula si Marcus. "Kung sa offers, meron, lalo na sa mga independent companies. Kaya lang, pag binabasa ko na yung script and it requires me to bare, tinatanggihan ko. Nagpapasabi kami na iba na lang ang kunin nila. Hindi ko kaya. Puwede, kung naka-briefs lang, gaya sa Pila Balde. Hanggang doon lang ang kaya ko."
Dating image model ng Private Property si Marcus, at kung minsan nasa out-of-town show siya kung saan siya rumarampa bilang modelo ng boxer shorts at casual t-shirts. "Yon din ang pinaka-raket ko pag wala akong TV guestings. Tapos, sa school. Siguro, kahit busy rin ako sa pelikula, Ill see to it na makatapos din ako ng pag-aaral, para kung sakali, dahil hindi naman pang-matagalan ang showbiz, I have something to fall back on," sabi ng aktor na nag-20 years old noong August 26.
Si LJ Moreno ang kapareha ni Marcus sa "The Mark Chua Story". "Matagal ko nang kilala si LJ," sabi niya, "kasi, magkaklase kami sa Home Study Program. Minsan, nagkakasabay kaming kumuha ng exams sa Angelicum. Halos pareho naming tinapos yung 4th year high school namin."
Sabi ni Marcus, nagka-crush siya kay LJ dahil maganda na, mabait pa. "Pero hindi ko siya niligawan, kasi, ang tanong, nagka-crush din ba siya sa akin? Pero gusto ko ang ugali ni LJ, simple lang siya, hindi siya mayabang, hindi siya pa-star."
Sabi ni Marcus, hindi na niya manager si Del Pascual. "Nagi-agent na lang siya para sa akin. Bale ang nanay ko na lang ang manager ko ngayon."
Dalawang taon pa bago makatapos ng Business Management si Marcus. "Kaya nga hindi ako nagmamadali, eh. Gusto ko nga, pagkatapos ko ng course ko, saka ako magpu-full blast sa movies. May one-year contract pa ako sa Regal, sa pagkakaalam ko."
Kapansin-pansin na medyo mataba si Via sa pelikulang ito. Buti na lang at sexy pa rin siyang tingnan. Sabi ng aktres nang makapanayam ko, kamakailan, "Kung naabisuhan ako ilang linggo bago nag-shooting, I could have trimmed down a little. Biglaan din kasi, eh. Di ba kay Halina Perez muna ito? Pumalit lang ako. Yon nga, wala akong time na magpapayat."
Eh bakit naman siya tumaba? "In love kasi ako," bulong niya. Si Rafael Santos ng MBA ang tinutukoy niyang love niya. Mahigit nang two months ang relasyon nila at nakaka-inspire ito sa kanya. "Pag in love ka kasi, ang tendency mo, siya lagi ang iniisip mo. Kung ano ang makapagpapaligaya sa kanya. Minsan, hindi mo na napapansin, tumataba ka na pala dahil ang saya-saya mo.
"Pero gagawin ko yung Burara and this time, magpapa-slim na ako nang husto," patuloy niya. "Istorya ito ng magkapatid na babae na napariwara. First time akong maididirek ni Dante Boy Pangilinan. Nagpapasalamat ako at hindi ako nakakalimutan ng producer (Sixto Dy) at nasundan agad ang Hiyas."
Sabi ng publicist ng Leo Films, "Walang naging problema ang Leo kay Via. Dumarating siya on time, wala siyang star complex, hindi siya umaapir na parang walang gana o lango, at sinasarili niya ang personal problems niya.
Bakit, meron ba silang aktres na kinuha noon na ganun ka unprofessional? "Wala naman po, sinasabi ko lang na talagang walang naging problema ang Leo Films kay Via," sabi ni Rodel na merong cameo role sa Hiyas. May frontal si Via rito na hanggang ngayon ay pinag-uusapan.
"Hindi ko naman first time na mag-frontal," sabi naman ni Via," I did that first sa una kong pelikula, Isla directed by Celso Ad Castillo. Kaya lang, nung time na yon, sobrang higpit ang censors. Nagunting yung eksenang yon. Parang hindi rin ako nag-all-the-way. At least ngayon, mas objective ang MTRCB. Done in good taste naman yung eksenang iyon."
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am