Sumulat sa akin ang kanyang ina na si Gng. Blesilda P. Tejada para matulungan na maipasok na artista ang kanyang mga anak. Nagpapatulong din siya kina Salve Asis, Emy Abuan at maging kay Kuya Germs.
Sa ngayon ay nakikipisan lamang silang mag-iina sa kanyang ina na nakatira sa may riles ng tren. Napaalis sila sa kanilang dating tinitirhan sapagkat wala silang pinanghahawakang titulo. Idinaan ng Intsik na may ari ng lupa ang kaso nito sa korte at natalo sila.
Mayroong maliit na pinagkakakitaan ang ama ng dalawang bata pero hindi ito sapat para sa renta ng isang bahay at para sa araw-araw nilang gastos. Malapit nang mag-aral si Kristel at natatakot si Gng. Tejada na kung hindi siya gagawa ng paraan ay baka hindi nila makayang papag-aralin ito.
"Bilang isang ina rin ay alam kong lubos nyong mauunawaan ang aking saloobin. Isipin nyo na lang ang aking pangamba na baka makalabas sila ng bahay at maaksidente. Kung dumaraan naman po ang tren ay tinatakpan ko na lamang ang kanilang mga tenga para hindi sila mabingi sa ingay nito," anang ginang.
Ang pag-aartista ni Kristel ang naisip na paraan ng kanyang ina para makapag-aral silang magkapatid. "Sana po ay kasangkapanin kayo ng Diyos upang matulungan kaming matupad ang aming pangarap sa aming mga anak," pakiusap niya.
Kaya, kung mayroon pong producer sa pelikula, telebisyon o kahit na sa stage na nangangailangan ng isang bata na nakakaarte, nakakasayaw at kumakanta. Naririto po ang larawan ng dalawang magaganda at may talinong mga bata, sina Kristel at Krizia, kailangan po nila ang inyong tulong. Tinatawagan din namin ang pansin ng sexy star na si Allona Amor na mayroon na ring sariling produksyon at kasalukuyang tumutulong sa mga kabataan.
Pero, sino naman si Monica Montes na kinontrata ng Leo Films para pumalit, hindi kay Via, kundi kay Halina Perez? Balitang ilulunsad ito ng Leo Films sa pelikulang Hinog sa Pilit.
Unang napanood si Monica na dating wholesome sa pangalang Jean Faye sa Dugo sa Buhangin, unang venture ng Manhattan Asia Films. Eighteen years old siya at first year sa kursong Tourism sa San Sebastian College. Tumigil siya pansamantala sa kanyang pag-aaral para mapaghandaan ang kanyang launching movie.
"Stepping stone ko lang ito dahil alam kong mapapansin din ako later on dahil marunong naman akong umarte," ang sambit ni Monica.
Ngayon ay nasa ilalim na siya ng kandili ng ABS-CBN Talent Center. Katunayan, naging member siya ng Star Circle Batch 6. The network has kept her busy these past few years, opening for MTB, having roles and appearances in Tabing Ilog, ASAP, Kaybol, Star Drama Presents, Okatokat, Flames, Home Along Da Riles, Keep On Dancing at marami pa.
A 3rd year AB Psychology stude in Central Colleges of the Philippines, kumuha siya ng acting workshop sa ABS-CBN, nag-pose sa Still Camera sa ilalim ni Raymund Isaac.
Gumanap siya ng Fedra sa MTB Rosalinda Look Alike Contest at naging voice talent sa Camilla playing the role of the villain, Monica.