Aiza Marquez, inaagaw si Danilo kay Camille?
November 2, 2001 | 12:00am
Nagsalita na rin ang sinasabing kontrabida sa loveteam nina Camille Pratts at Danilo Barrios. Ang babaeng sinasabing habol nang habol kay Danilo, ang Viva teen star na si Aiza Marquez.
"Huwag naman nila akong palabasing cheap," ang napatiling reaksyon agad ni Aiza.
"Honestly nahihiya na rin ako kay Camille, yon nga kasi ang lumalabas na inaagaw ko raw si Danilo. Inaahas ko raw dahil ako pa raw yung habol nang habol sa kanya. And its really foul!
"Ano naman kasi ang tingin nila sa akin? Huwag naman nila akong palabasing kontrabida! Ang cheap po talaga," tili pa ulit niya.
Hindi naman ikinakaila ni Aiza na naging malapit sila sa isat isa ni Danilo pero siya na raw ang kusang lumayo sa binata bago pa mapunta kung saan ang pagkakaibigan nila.
"Para makaiwas na rin sa mga intriga. Bata pa rin naman kami pareho. Marami pa rin kaming pangarap sa buhay. Mahal ko ang career ko at alam kong mahal din ni Danilo ang career niya.
"Kaya bago pa mapunta kung saan yung friendship namin, eh, ako na mismo ang umiwas at lumayo. But were still friends. Hindi na nga lang kaming masyadong nagkikita at nakakapag-usap," sabi pa niya.
Inahas din daw ni Aiza si Biboy Ramirez kay Alessandra de Rossi bilang ka-loveteam sa programang Click ng GMA 7? Kaya may feud daw silang dalawa ngayon ni Ms. De Rossi?
"Walang away sa amin ni Alessandra. Actually, aside from Click ay magkasama rin kami sa Biglang Sibol, Bayang Impasibol. Its not true na galit siya sa akin or nagdededmahan kaming dalawa.
"Kung mapunta man sa akin si Biboy, yon ay trabaho lang. At kung anumang personal meron sila ni Biboy, I guess labas na ako roon. Bago rin lang kaming magkakilala ni Biboy at mabait naman siya," sey na lang ni Aiza. (Ulat ni Robert Perez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended