Ngayon naman ay kinuha siyang Calendar Girl 2002 ng babasahing FHM sa isang fourteen month calendar na nagtatampok sa kanya in all her revealing glory. Inilagay siya sa lahat ng buwan sa buong sangtaon, sa pinaka-bago at pinaka-daring na larawan na kuha sa kanya ng sikat na potograpo ng nasabing babasahin na si Xander Angeles.
Mabibili na ang kalendaryo sa mga newstands. Pwede rin kayong umorder ng kopya sa www.bidshot. com, libre ang delivery nito sa Metro Manila.
Muling nagbigay ng isang powerpacked performance ang Rivermaya sa isang artificial oasis na nasa isang disyerto. Makikita rito sina Rico Blanco, frontman/songsmith; Mike Elgar, Kakol Legaspi, guitars; Japs Sergio, bass at Mark Escueta, drums.
Ang Rivermaya at ang crew na kumuha ng MTV sa direksyon ni Lyle Sacris ay inabot ng tatlong araw para makunan ito nang walang gamit na special effects.
Ang tema ng single ay isang pag-uulit ng tema ng buong album na pinamagatang "Tuloy ang Ligaya" na nabibili na sa record bars, simula nung Okt. 24.
Pinaka-matangkad si Miss Russia (Vica Goncharova) at 511" at sumunod naman si Miss Ukraine (Yulia Tomashevskaya).
Apat ang may taas na 58" sina Misses Singapore (Jasmine Seow Yan-Ling), Peru (Luciana Farfan), Panama (Adriana Roquer) at Korea (Jihye Kim). Sina Misses Australia (Shannel Gregory), El Savador (Sandra Glower) at India (Maheshwari Thiagarajan) ay pare-parehong 57".
Sina Misses Colombia (Karol dela Torre) ay 551/2", Lebanon (Chantal Mehanna), 55", Malaysia (Xiaao Yann Khoo), 56", Mexico (Lizzet Jimenez), 56 /2", Sri Llanka (Nilusha Gamage), 56", Thailand (Wanvisa Kamdangyai), 56 1/2" at New Zealand (Amanda Carter), 55".
Pinaka-batang kandidata ay 18 at pinaka-matanda ay 23.
Nasa ika-34th year na ang Miss Asia Pacific Quest, Inc. na nagpapalaganap ng peace and goodwill, trade and toursim sa mga kasaling bansa sa Asya Pacific, South at North America at Middle East.