^

PSN Showbiz

Parade of stars sa concert ni Janno

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Pilita Corrales, Kuh Ledesma, Zsa-Zsa Padilla and Pops Fernandez. For Janno Gibbs sila ang mako-consider na diva in real sense of the word. "Ang true meaning kasi ng diva - classy, glamorous, poised. Sila ‘yung tipo ng singer na kahit saan at kailan mo makitang nagpi-perform, laging poised," he says in an interview. Sina Regine Velasquez, Lani Misalucha and Jaya, feeling ni Janno, hindi pa nari-reach ng tatlo ang totoong meaning ng pagiging diva. "Hindi lang naman performance ang basis para maging diva ka," he said sa isang interview sa Baga Berde last week.

In good faith ang comment ni Janno at wala siyang planong mag-create ng intriga.

Anyway, ang Divas & I ang second major concert niya simula ng maging recording artist siya. "Early 90s pa nang magkaroon ako ng major concert sa Folk Arts. Since then, hindi na ako nag-concert uli sa malaking venue." This time, hindi lang siya performer dito, siya rin ang magdi-direk at nag-concept ng Divas & I na gaganapin on November 10, Saturday, 8:00 p.m. sa Araneta Coliseum. "Mahirap ‘yung gagawin ko, pero mabuti na ‘yung ako ang magdi-direk, mako-control at alam ko lahat ang mangyayari," he said.

Divas and I ang title dahil 20th anniversary presentation ito ng Viva Group of Companies owned by Mr. Vic del Rosario.

Special guests sa Divas & I sina Pops Fernandez, Jaya, Lani Misalucha and Ms. Pilita Corrales with Ogie Alcasid, Andrew E. and Blakdyak na kasama niya sa Weyt A Minit, Kapeng Mainit. Pero maraming surprise guest as in ini-expect na lahat ng naging part ng Viva ay darating sa nasabing concert.

Dahil nga 20th anniversary celebration ito ng Viva, before the concert magkakaroon ng parade of stars sa hapon. Ayon kay Ms. Baby Gil, anim na float ang gagamitin. Sasakay sa isa sa six floats sina Edu Manzano ng The Weakest Link and Christopher de Leon ng Who Wants To Be A Millionaire. Ang iba ay para sa Viva Films, Viva Records, Viva TV among others. Naka-schedule ang parade ng 4:00 p.m. Ang parade ay matatapos sa harap ng Araneta Coliseum kung saan gaganapin ang traditional lighting of Christmas tree sa Araneta. Kasabay ng nasabing celebration ang pagla-launch ng bagong project ni QC Mayor Sonny Belmonte ayon pa kay Ms. Gil.

After the launching, saka tutuloy ang lahat sa concert ni Janno.

Anyway, going back to Janno, nag-iisip siyang mag-concentrate na lang sa kanyang singing career next year. "Ina-analize ko at this point in time na maging priority na lang ang pagkanta. Kasi tatlo na ang TV show ko (Beh Bote Nga, Eat Bulaga and SOP). Parang nakakapagod ding pagsabay-sabayin ang trabaho."

Latest movie ni Janno ang Weyt A Minit, Kapeng Mainit with Blakdyak, Geneva Cruz and Angela Velez. Sa trailer pa lang ng nasabing movie, talagang nakakatawa na kaya naman marami na ang naghihintay.

In any case, feeling ni Janno deserving siya sa trust ng Viva na siya ang recording artist na bigyan ng major concert para sa anniversary nila. Kasi naman naging loyal talaga siya sa Viva. Aside from three albums, 23 movies na rin ang nagawa niya sa nasabing company. "Alam naman nila kung gaano ako ka-loyal sa kanila," he avers.

Two months ago lang nang i-launch ang album niyang Divas & I. Nakasama niya sa nasabing album ang lahat yata ng sinasabing diva sa bansa. Siya lang ang singer na nakabuo ng ganoong album na hanggang ngayon ay out pa rin sa market.

Taong 1986 nang unang mag-record ng album si Janno sa Viva.

At any rate, tickets to Divas & I are prized at P1,200, P800, P600, P300 and P100. Available na ang ticket sa lahat ng SM Ticketnet outlets, Araneta Booking Office and Viva Concerts at 413-2572.
*****
For the nth time, nakikiusap si DILG Secretary Joey Lina na huwag gawing joke o experiment ang pagtawag sa Call 117 (na napapanood sa NBN every Friday, 10:00 p.m.) "because if the lines are clogged, it could be the lives of your loved one that may be at stake."

Simula ng i-launch ang nasabing project early this year, marami na silang natulungang emergency cases. Like ‘yung case ng two girls na ni-rape ng kanilang stepfather at apprehension ng robbers and kidnappers. Pero habang tumatagal, mas dumarami ang nare-record nilang crank calls na siya nilang inaalala ngayon. "I would like to appeal to all, not to make crank calls or illegitimate calls so that those who have legitimate needs for assistance or response from the appropriate government agency are able to immediately get through 117," Sec. Lina said sa isang press statement. Sinabi pa niya na hindi magiging matagumpay ang kahit anong programa ng pamahalaan kung hindi makikiisa ang mamamayan.

At dahil nga sa kabila ng kanilang campaign against crank calls na parang walang effect, nagpi-prepare na sila ng bill (for the approval of the congress) or ordinance (for the approval of the different Metro Manila local government units) na parusahan lahat ng mga mahuhuling tumatawag ng wala naman talagang emergency. Imagine, may mga gusto pa raw makipag-phone pal at ‘yung iba, curious lang kaya tumatawag kaya dini-discourage niya ang mga mamamayan nating may ganitong attitude.

Ang Call 117 na ini-launch early this year ng DILG and Local Government ay layuning matugunan ang government agency or private entity by simply dialing 117 sa landline or cellular phone. Modelled after the widely known 911 system used in the US Project 117, according to Col. Filipino Amoguis, Executive Director of 117, seeks to promote consciousness and volunteerism, to empower the barangay as self-policing communities and to ensure a sustained multi-sectoral participation in the barangay.

May 30 operators ang Call 117 - 24 hours a day, 7 days a week. At lahat ng kinakailangang tulong ng tatawag ay agad dumarating. In fact, in just seven minutes, nakaka-respond ang 117 sa tumatawag. Available pa lang sa Metro Manila ang nasabing project pero plano nilang mag-expand before the end of the year sa Cebu and Davao and all major urban centers pagdating ng 2003.

Kaya please lang seryosohin naman natin ang panawagang ito ni Sec. Lina.

ARANETA COLISEUM

JANNO

KAPENG MAINIT

LANG

METRO MANILA

POPS FERNANDEZ

SIYA

VIVA

WEYT A MINIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with