Malinaw na malinaw ang mga palatandaan ng muling pagkabuhay ng local movie industry na ipinalalagay ng karamihan, maging ang mga local filmmakers mismo, na ito ay naghihingalo na at hinihintay na lang na mamatay ito at ilibing. There are strong signs that the third quarter of the year 2001 will be filled with production activities that will mark the revival of Philippine movies, at least in quantity if not real artistry and innovation. The annual
Metro Manila Film Festival is surely a driving force to the present rush of activities. But I supposed the country is in the mood for entertainment and good times, sa kabila ng patung-patong na problema ng bansahindi lamang ang ating internal wrestling for stability at sa eradication ng graft, corruption and crime in the government.
Bin Laden walang panama sa Pasko |
Kahit sabihin pang nagbabanta ang puwersa ng mga terorista sa buong mundo, may anthrax pang lumalaganap, at kung anu-anong akusasyon kung kani-kaninong matataas na personalidad sa gobyerno, mangingibabaw pa rin ang impluwensiya ng darating na Kapaskuhan upang makalimutan ng mga tao ang mga tambak na kahirapan at ipagdiwang ang nasabing okasyon. Walang panama si
Bin Laden sa harap ng darating na holiday season.
Young Stars ngayon, Superstars bukas! |
Mapapansin nyong every week ay nakikipag-agawan ang
Regal, Viva at
Star Cinema sa mga playdates. Ang
Star Cinema ay panay na panay ang release at sinusuwerte naman ang sister company ng
ABS-CBN mula nang ipalabas ang
Bakit Di Totohanin nina
Judy Ann Santos at
Piolo Pascual. Nasundan pa ito ng
La Vida Rosa nina
Rosanna Roces at
Diether Ocampo. Kapag ipinagpatuloy nina Piolo at Diether ang kanilang lakas sa takilya, masasabing mga tunay na silang box-office attractions. Inaasahan din na ang
Trip nina
Jericho Rosales at
Kristine Hermosa ay magiging hit kung ibabatay lamang sa laki, tindi at launch ng publicity at promo ng pelikula. Kapag kumita ang
Trip mahahanay na rin si Jericho sa mga pinakamalakas ang potensyal na maging isang tunay na superstar.
Nakatakdang maging crush ng bayan |
Pero hindi lamang sa
Star Cinema may mga pinasisikat na bituin. Kinuha na ng
Viva Films si
Angelika dela Cruz upang itambal kay
Robin Padilla. Si
Cogie Domingo ay gumagawa na ng ingay sa
Regal pagkatapos ng kanyang matagumpay na
Death Row noong isang taon mula sa
GMA Films. Matunog din na baka ma-convince ng mag-join sa showbiz si
Luis "Lucky" Manzano (anak ni Ate
Vi) at si
Borgy Manotoc (anak ni
Imee Marcos) na magiging mga bagong crush ng bayan. Hinihimok pa si
Sharon Cuneta na payagan niyang i-launch si
KC Concepcion pagkatapos nitong makita ng publiko sa stage musical na
The Little Mermaid.
Matunog na matunog din na maraming movie offers para kay
Gina Celsoang Gracia sa buhay ni Billy ng PLDT commercial seriespero ang problema nga ng dalagang half-Filipino at half-Norwegian ay hindi pa ito marunong mag-Tagalog. Rumaratsada na muli si
Gretchen Barretto na kapansin-pansin ang kanyang bagong shampoo commercial at nagbabalak na rin itong magbalik-pelikula. Masigla na muli ang career ni
Janice de Belen sa bisa ng kanyang mga programa sa
GMA-7. Nagso-shooting na rin ng bagong movie sina Sharon Cuneta at Robin Padilla.
Everything points out to be a really holiday season for showbiz as local producers cram, shooting three or four movies to make it to the annual
MMFF screenings. Sa unang linggo pa lamang ng Disyembre, papasok na ang
Cinemanila International Film Festival spearheaded by
Tikoy Aguiluz with the full support of the city of Makati.
Magandang pagkakataon ito upang makapanood ang local audiences ng award-winning international films. At pagkatapos ng
Cinemanila ay itatanghal naman ang
MMFF sa Disyembre 25. I have learned that
Star Cinema has several films in the can and ready for releases gaya ng
American Adobo ni
Laurice Guillen at ilang experimental digital movies kabilang na rito ang isang idinirek ni
Gil Portes.
All in all nahaharap ang local movie industry sa isang maligaya at masaganang pagtatapos ng taong 2001. At sana magpatuloy ang ganitong suwerte hanggang sa susunod na taong 2002. Pero mayroon daw movie si
Fernando Poe, Jr. sa 2002, bandang January o February. Busy na rin si
Richard Gomez, Bong Revilla. Hintayin na natin ang pagbabalik nina
Phillip Salvador, Rudy Fernandez at
Aga Muhlach.