Naughty pero wholesome

Kung akala ninyo na kalalakihan lang ang nasisiyahan sa mga gimik ni Diwata, ang kumanta ng "Sisirin Mo". P’wes, nagkakamali kayo. Sa mga palabas niya sa malls, coliseum klab at pribadong pagtitipon, kahit halos hubad na siya wholesome rin pala ang dating niya. Madalas kasi ay tuwang-tuwa rin ang mga bata sa kanyang pagtatanghal. Pagkatapos nga ng number niya’y nag-uunahan ang mga ito sa pagpapakuha ng litrato kasama siya. Pati nga mga magulang nila ay nakikisali. Sa madaling salita, may karisma sa masa si Diwata. At dito siya namumukod-tangi sa ibang "naughty singers".

Sa ngayon ay inihahanda na ang second album ni Diwata para sa Asiatec Music. Malamang ay hindi na "naughty" ang mga kantang ire-rekord niya. Pero, para sa kanyang mga tagahanga’y tanggap nila ang imaheng sinimulan niya bilang "Singing Goddess"!

Show comments