Hampas dito hampas doon ang ginagawa nito sa braso ng nobyo at lumilipad pa ang mga baso o anumang bagay na mahawakan nito kapag galit na galit ang aktres.
Mabuti na lang at nakakapagpasensya ang young actor sa ugali ng aktres dahil mahal na mahal din niya ito.
Ang galing-galing pa ring umawit nina Rico at Pilita na ipinarinig ang kanilang mga hit songs noon. Kwela ang mga green jokes ng total performer kaya walang ginawa ang mga tao kundi tumawa nang tumawa lalo na si FPJ. Super galing din ni Jinky Llamanzares. Isang revelation si Yam Ledesma na sosyal ang dating ngayon. Mahusay siyang kumanta lalo na sa dueto nila ni Rico J. Nagkakaisa ang mga nakapanood kay Yam sa pagsasabi na deserving manalo sa nakaraang Star Awards for TV bilang Best New TV Personality ang recording artist ng MMG Records.
Isang malaking tagumpay ang show kaya nagbabalak uli si Annabelle Rama na magkaroon ng repeat performance ang mga concert artists at baka sa mas malaking venue. Mahirap pagsamahin sina Rico J. at Pilita na ang nakagawa lang ay si Annabelle dahil nasa Australia lagi ang Asias Queen of Songs.
Huling naging boyfriend ni Isa si Don Stockwell. Halos isang taon din siyang loveless. Umaasa ang magandang aktres na magtatagal na ang relasyon nila ng bagong nobyo dahil pribado itong tao.
Tinanong ko siya kung payag siyang mag-pose sa Playboy lalo pa kung mataas ang ibabayad sa kanya. "Okay lang Tita na mag-pose ako sa Playboy bastat seksi. Pero parang hindi ko kaya yung ginawa ni Tetchie Agbayani na nakalabas lahat," aniya.
Sasabak na rin siya sa stageplay titled Tao under her own production na tinawag niyang Archer kung saan nagbibigay sila ng libreng workshop gayundin ang pangangalap ng mga talent na gustong sumali sa play. Siyempre bida dito si Allona kaya naman panay ang pagi-ensayo niya sa direktor na si Siegfried Sepulvida.
Sa November 16 ay may palabas ang kanyang production sa Baguio na pinamagatang Party On The Loose.
Isa sa ipinagmamalaking pelikula ni Allona na intended entry sa MMFF ng ATB Films ay ang Sapagkat Kamiy Tao Lamang kung saan siya ang bida. Maganda ang pelikula at drama ito, ayon pa sa seksing aktres. Malapit na ring ipalabas ang Rosario na prodyus din ni Lita Buenaseda.
Ang Christmas wish nga ng magandang aktres ay mapasama sana ang Sapagkat Kamiy Tao Lamang sa darating na MMFF para maranasan naman daw niya ang makasakay sa karosa habang kumakaway sa mga tao.
Sa dami ng showbiz commitment ay hindi siya nagkakaroon ng panahon sa pag-ibig kahit marami siyang manliligaw. "Gusto kong makaipon muna kaya itinatag ko ang Archer Productions at saka na lang ang pag-ibig. Tutal bata pa naman ako," pagtatapos pa ng aktres.
Ang Premiere ay isang membership cinema na kinabibilangan din ng CLUVB 5 The Ultimate bar and É Cafe. Layunin nito na makapagbigay sa mga customer ng kumpletong uri ng lugar para makapaglibang.
Alam naman ng lahat na ang mga tao ay laging naghahanap ng bargain at mga specialty products na hindi available sa mga shopping malls dahil sa mataas na halaga ng rentals, CUSA at iba pang mga charges. Kaya minabuti ng Premiere THX Cinema na maglagay ng lugar para sa mga exhibit kung saan mabibili sa kaya ng lukbutan ang ibat-ibang uri ng produkto.
Magkakaroon ng 3-day pre-Christmas Exhibit 2001 sa November 23, 24 at 25 kaya inaanyayahan ang lahat.