^

PSN Showbiz

Ang bagay na ayaw ni LJ kay Diether!

DERETSAHAN - Arthur Quinto -
Ang talagang plano sana ni LJ Moreno, dahil hindi siya kuntento sa kanyang acting career ay magtungo sa America kung saan nandun ang kanyang ina at tapusin ang kursong Business Management. "But then, this offer came along at inisip ko, sayang. If I go back there and go to school, I still not gonna be earning as much as I am earning now," sabi niya.

Sa taping ng Kasangga naganap ang panayam. Pero ang tinutukoy niyang offer ay ang soap opera, Ikaw Lang Ang Mamahalin. Di pa man siya nagsisimula, katakut-takot na intriga na ang nasasagap niya. Second choice lang daw siya. Kung di pa raw nag-resign si Sunshine Dizon, hindi pa siya maaalala. Si Rica Peralejo raw muna ang inalok, na tumanggi naman. "Hindi ko pinalitan si Sunshine. It’s another role worth my time. Okay lang kung hindi ako ang first choice, I don’t mind as long as I was offered a role," depensa niya.

Sa Ikaw Lang Ang Mamahalin, bubuhayin ni LJ ang katauhan ni Cassandra anak siya ni Chanda Romero na ang layon ay akitin ang puso ni Albert Martinez.

Si Lari Jean Laxamana Ricafort ay ipinanganak sa Pangasinan, 21 taon na ang nakararaan. Ang "Lari" ay galing sa unang dalawang letra ng apelyido ng magulang niya. Galing siya sa angkan ng mga artista dahil si Venesa Laxamana o Alma Moreno ay kapatid ng nanay niyang si Debra Laxamana.

"Eversince I was young, I"ve always wanted to appear in the movies. When I was a little girl, pag kailangan ni Tita Ness ng mga bata sa pelikula, like in Crazy Professor, isinasama niya ako. I think I was about 4 or 5 years old then."

Limang taon si LJ nang magpunta ang pamilya niya sa Houston, Texas, USA. Sa Stafford Middle School siya nag-elementary. Sa James Monroe High School, California siya nagpatuloy ng pag-aaral. "I lived in the States when I was 5 to 14," sabi niya. Pagbalik niya ng Pilipinas, nag-home study program na lang siya. "When I get here, I lived with Tita Ness because my family was there in the States. After a year, they were back."

Si Douglas Quijano ang naging manager niya, hanggang ngayon. Nasaan Ka Nang Kailangan Kita? ang una niyang pelikula sa Regal, "But my most memorable films are only two, so far, Sa Pusod Ng Dagat where I played mangkukulam and Pedro Penduko with Janno Gibbs where I did some stunts."

Sixteen siya nang maging boyfriend niya si Diether Ocampo. Tumagal iyon nang apat na taon, off and on. "Why we broke off? Wala, masyado lang maraming complications. Walang third party involved. I don’t think na magkakabalikan pa kami ni Diether. Kasi, as of now, may boyfriend na ako. Six months after the break-up, nakilala ko si Shawn Jones, he is 25 and 6’ 2" in height. I really can’t say kung magtatagal ang relasyon namin, because right now, it’s a long-distance communication, he’s in the States."

Paano niya inaalala si Diether? "I guess, ang maganda sa relationship namin yung family namin, magkasundo. I was really close to his mom, his sister, and his brother. Up to now, he talks to my dad and my brother.

"Si Diether, quiet lang siya, parang misteryoso. Ang ayokong ugali niya, yung pagi-impose niya sa akin. He always worry about what I’m wearing or something. What’s wrong with wearing jeans and sneakers if yo don’t really want to get dressed? Bakit ako magpapaka-girl na hindi naman ako yon?"

Independent-minded si LJ, kaya nang dumating na ang ika-21 kaarawan niya noong October 5, nagsolo na siya. Tumira raw siya sa isang condo sa Ortigas. "I am more responsible now," sabi niya. "I know how to budget now. Ako mismo ang nagpupunta sa Meralco to pay the bills. I do my own groceries. Kahit paano, nakaka-miss ng family, pero on weekends, yung mga kapatid ko, nagpupunta sa akin. My family lives five minutes away from the gym I workout with. Sa may Valencia lang sila nakatira.

"I have some small dreams. What I really want is to have my own house at least a town house or something."

Beynte-uno siya ngayon, kailan niya nakikita ang sariling kasal na? "I used to say, at the age of 23. But now, gusto ko, kung hindi 26, 27. Mahilig ako sa mga bata at gusto ko nang magka-baby by the time I reach 27. Beyond that age, mahirap na atang manganak."

Malaki ang impluwensya ni Alma Moreno sa pamangkin niyang si LJ. Ayaw ng Tita Ness niya na pasukin ni LJ ang bold ngayon, kahit nag-bold siya (Alma) noon. "Iba kasi ang bold noon sa panahon ni Tita Ness kaysa ngayon!" Nakabalik na si Alma mula sa Amerika kung saan nito ikinunsulta yung sakit na multiple sclerosis. "Actually, hindi ko pa nakikita si Tita Ness, lately. Almost everyday kasi, may taping ako. I saw her on the taping of Kool Ka Lang but we didn’t really get the chance to talk talaga. Yung tungkol sa kalagayan niya, they don’t really want to talk about it. I really feel bad about it, pero ayokong i-open ang topic. Nang malaman kong maysakit siya, nagulat ako. I didn’t wanna accept it at first. They said she’ll gonna be okey. Mukha naman okey na siya ngayon."

Hindi niya malilimutan ang Tita Ness niya. "Noong maliit pa ako, lagi akong hinihiram ni Tita Ness sa Mommy ko. Wala pa si Win-Win noon, yung daughter niya. She had always wanted a little girl. She used to take care of me when I was in the States at dumadalaw siya. Lumaki ako sa San Fernando Valley in California."

AKO

ALMA MORENO

IKAW LANG ANG MAMAHALIN

LANG

NIYA

SIYA

TITA NESS

WHEN I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with