Ngayon naman ang kanyang Gatas (Sa Dibdib Ng Kaaway) ay iri-review uli para sa Oscars. Ang Markova naman ay isasali sa Brussel Film Festival.
Kaya naman inaasahan ni Direk Gil na ang Huwag Kang Kikibo ay maisasali rin sa international film festival.
Samantala, sinabi pa ni direk Portes na wala siyang naging problema kay Priscilla Almeda habang ginagawa nila ang Huwag Kang Kikibo..."Very cooperative siya at kapag dumarating sa set ay naka-robe na at walang reklamo sa matitinding lovescene nila ng cult leader (Raymond Bagatsing). She submits herself to instruction kaya lang hindi pa rin siya puwedeng ikumpara sa ibang magagaling na artista na may lalim na ang akting dahil wala pa siyang napagdaanang pain sa kanyang buhay. Maipagmamalaki namin ang movie dahil makabuluhan ang aral na mapupulot tungkol sa kulto. Mabibigyan din namin ligaya ang manonood at tiyak na maaaliw sila sa panonood nito," aniya.
Araw-araw ay umiiyak ang magandang aktres sa Sa Dulo Ng Walang Hanggan kaya magsisilbi itong breather sa kanya. Nag-quit noon si Claudine sa Home Along Da Riles dahil sa pagiging abala sa kanyang soap opera Mula Sa Puso na sinundan ng Saan Ka Man Naroroon.
Ayon sa TV host, gusto niyang mag-aral muli. Nasa practicum na siya ng MassCom nang tumigil pero hindi na ito ang kursong gusto niyang balikan kundi ang Humanities o Interdisciplinary Studies.
Noong bata pa si Janice ay gusto niyang kumuha ng Psychology para mapag-aralan ang ibat-ibang behavior ng tao.
Muling aarte ang aktres dahil may nakalinya siyang pelikula na siyang first love ng aktres.
"Ikaw na ang magsabi kung totoo ngang nag-droga si Rica. Kita mo naman ang kinis-kinis ng balat nito. Karaniwan sa nagdodroga ay nangungulubot ang balat lalo na sa mukha. Inggit lang sila sa aking anak," sey nito.
Hindi naman masama ang loob niya, pero shocked siya sa nangyari. Ngayon lang daw niya nalaman na kahit pala mataas ang rating ng show bastat gustong tigbakin ay magagawa ng management. Pero hindi naman siya totally nawalan ng show dahil may bago naman siyang gagawin.