^

PSN Showbiz

Priscilla, walang lalim ang akting - Direk Gil

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nakausap ko si Direk Gil Portes na siyang direktor ng Huwag Kang Kikibo under Teamwork Production. Sinabi niya na pumasok sa iba’t-ibang film festival sa abroad ang iba niyang pelikula. Ang kanyang Saranggola ay kasali sa competition sa Moscow Film Festival at ni-review din for Oscars. Napabilang din ito sa top 20 films last year doon.

Ngayon naman ang kanyang Gatas (Sa Dibdib Ng Kaaway) ay iri-review uli para sa Oscars. Ang Markova naman ay isasali sa Brussel Film Festival.

Kaya naman inaasahan ni Direk Gil na ang Huwag Kang Kikibo ay maisasali rin sa international film festival.

Samantala, sinabi pa ni direk Portes na wala siyang naging problema kay Priscilla Almeda habang ginagawa nila ang Huwag Kang Kikibo..."Very cooperative siya at kapag dumarating sa set ay naka-robe na at walang reklamo sa matitinding lovescene nila ng cult leader (Raymond Bagatsing). She submits herself to instruction kaya lang hindi pa rin siya puwedeng ikumpara sa ibang magagaling na artista na may lalim na ang akting dahil wala pa siyang napagdaanang pain sa kanyang buhay. Maipagmamalaki namin ang movie dahil makabuluhan ang aral na mapupulot tungkol sa kulto. Mabibigyan din namin ligaya ang manonood at tiyak na maaaliw sila sa panonood nito," aniya.
Claudine, Balik-Komedi
Natutuwa ang maraming fans ni Claudine Barretto dahil babalik na siya sa Home Along Da Riles. Bilib sa kanya si Dolphy kaya siya mismo ang humiling na magkasama silang muli sa sitcom bilang isa sa kanyang mga anak.

Araw-araw ay umiiyak ang magandang aktres sa Sa Dulo Ng Walang Hanggan kaya magsisilbi itong breather sa kanya. Nag-quit noon si Claudine sa Home Along Da Riles dahil sa pagiging abala sa kanyang soap opera Mula Sa Puso na sinundan ng Saan Ka Man Naroroon.
Janice, Balik-Iskwela
Paganda nang paganda ang Sis hosted by Janice de Belen at Gelli de Belen. Higit ding maganda ngayon si Janice at may panahon na para maglibang kasama ang mga kaibigan.

Ayon sa TV host, gusto niyang mag-aral muli. Nasa practicum na siya ng MassCom nang tumigil pero hindi na ito ang kursong gusto niyang balikan kundi ang Humanities o Interdisciplinary Studies.

Noong bata pa si Janice ay gusto niyang kumuha ng Psychology para mapag-aralan ang iba’t-ibang behavior ng tao.

Muling aarte ang aktres dahil may nakalinya siyang pelikula na siyang first love ng aktres.
Inggit Lang Sila Kay Rica
Nagkakwentuhan kami ni Mommy Alice (ina ni Rica Peralejo) at napag-usapan namin ang drug issue na siyang ginawang intriga sa kanyang anak hanggang ngayon.

"Ikaw na ang magsabi kung totoo ngang nag-droga si Rica. Kita mo naman ang kinis-kinis ng balat nito. Karaniwan sa nagdodroga ay nangungulubot ang balat lalo na sa mukha. Inggit lang sila sa aking anak," sey nito.
Blind Item: Hindi alam ang rason ng pag-baboo ng show
Hindi sukat akalain ng male TV personality na ito na biglaang matsutsugi ang programa niya sa isang major network kahit mataas ang rating.

Hindi naman masama ang loob niya, pero shocked siya sa nangyari. Ngayon lang daw niya nalaman na kahit pala mataas ang rating ng show basta’t gustong tigbakin ay magagawa ng management. Pero hindi naman siya totally nawalan ng show dahil may bago naman siyang gagawin.

BELEN

BLIND ITEM

BRUSSEL FILM FESTIVAL

CENTER

CLAUDINE

HOME ALONG DA RILES

HUWAG KANG KIKIBO

JANICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with