Maswerte si Jackie Forster sa kanyang bagong pag-ibig sa katauhan ni Kevin Freeman na dating Tanduay team import.
Talagang mahal na mahal siya nito. Katunayan, nagbakasyon sila sa Italy.
Alam ni Benjie Paras ang kanilang relasyon.
Hanggang ngayon ay nilalakad pa rin ang annulment case na isinampa sa kanya ng dating asawa.
Ang habol lang naman ni Jackie ay mabigyan ng patuloy na suporta ang kanilang mga anak.
Napuno ang venue dahil nasabik sila sa Filipino entertainer dahil wala palang palabas sa TV o babasahin doon tungkol sa Filipino celebrities.
Ayon sa aktres, masyado kasing seloso ang kanyang nobyo at sa isang mainitang pagtatalo ay ang cager pa ang nagsabing maghiwalay na lang sila.
Ilang relasyon na rin nito ang hindi nagtagumpay kaya nasabi ng seksing aktres na utak na ang paiiralin niya sa susunod na pag-ibig.
Ngayon ay sinubukan naman niya ang recording. Ang nasabing album ay iri-release ng Viva Records. Magiging carrier single ang "Naroon Pa Rin". Pumapailanlang na sa ere sa ilang radio station ang awitin at gustung-gusto nila ang boses ni Jacky. "Ang kanyang tinig na malamyos ay nakakaalis ng pagod. Cute ang dating ng kanyang pag-awit lalo na sa pagbigkas ng mga Tagalog song gaya nang ginawa noon ng mga foreigner singer na sina Jerry Vale o Lettermen nang minsan ding mag-recording dito. Magiging matagumpay siyang singer dito gaya sa Japan dahil magaling siyang kumanta," sey ng isang DJ.
Ang mga awitin na nai-record ni Jacky na mapapabilang sa album ay ang mga sumusunod: "Christmas Eve," "Sa Isang Kisapmata," "Melody," "Sa Isang Basong Wine," "Natapos Man," "Kung Nalaman Mo Lang," "My Lady," "Hanggang Sa Muli" at "Naroon Pa Rin" (Acoustic).
Ang mga awitin ay isinalin sa Tagalog na hango sa mga sikat na Japanese songs.
Sa kabilang banda babalik uli ng bansa si Jacky at magsisimula nang mag-syuting para sa pelikulang Hustler na iri-release rin ng Solar Films.
BLIND ITEM:
Kamakailan ay niregaluhan ito ng singsing na tadtad ng brilyante na nagkakahalaga ng kung ilang milyones. Minsan ay binibigyan din ng mayamang Intsik ng pang-shopping ang magandang aktres ng halagang P100,000. May nagpapalagay na kapalit ng mamahaling regalong ito ang kanyang sariwang katawan.
Pero may nobyo ang sexy star at ang balita ay alam ng nobyo ang pakikipag-relasyon ng gf sa mayamang produ. Nabibiyayaan naman daw ang bf kaya okey lang ito. Ang actress na two timer ay isa sa mga hottest sexy star sa kasalukuyan.