"Noong una kong punta sa New York, hindi natuloy yung shooting ng Batang West Side. So, what I did was to watch plays, until I encountered a Filipino theater group doon. It was called Mayi, headed by George Ortoll, Ralph Peña, Chris Millado and others. I asked Chris, As an actor, anong gagawin ko? He informed me about Dogeaters, nagka-conduct sila ng audition. I dont mind kung ma-reject ako. I have no ego thing about my being an established actor already. Hindi ko iniisip na kung ma-reject ako at Joel Torre na ako, nakakahiya.
"When I got there, Chris was there, too, at sabi niya, Puno na pala sila, eh! They are already presenting it to the public theater. I thought, sayang. But then, Jessica Hagedorn happened to be there herself. Kapapanood lang niya ng Oro, Plata, Mata the year before, at nang makita niya ako, she invited me to read the next day sa apartment ng American director.
"Parang apologetic pa nga ako dahil sa English ko. Pero sabi ni Jessica, after I said sorry about my accent, No, thats exactly what we need! Thats well for the play!"
Nakasama nga si Joel sa play na iyon. Five hundred dollars a week ang bayad. Puro Pinoy ang kasama niya, pero siya lang yung Pinoy na hindi nakatira sa America. Ang Dogeaters ay isang montage ng buhay ng ilang Pinoy sa panahon ng rehimen ni Marcos." Social satire siya during the Marcos era," info ni Joel. "I have different roles but one of them was parang Ninoy Aquino. The term "dogeaters" is a derogatory remark given by the Americans to Filipinos during the Filipino-American war. Nowhere in the play were the Filipinos mentioned as eating dogs."
At ano ang natutunan ni Joel? "Mas klaro ngayon yung approach sa gusto kong mangyari sa trabaho ko. Parang nag-full circle, doon ko nakita ang buong process." Sa NCBA, Cubao naganap ang panayam na ito noong Lunes. Sa episode ng Kasangga, tungkol kay Mark Chua na naging celebrated case dahil binuko nito sa publiko ang kalokohang nagaganap sa ROTC. Si Joel si Welson Chua, tatay ng namatay na si Mark.
"I dont mind playing father roles," sabi ni Joel. "I am already 40 at ang panganay kong anak ay ten years old na. Nung nasa New York ako, talagang na-homesick ako nang husto! Syempre, may pamilya, eh! Pagkatapos ko ng performance sa stage, uwi na ako, eh winter sa New York noon! Ang lamig! It was biting cold. Paglakad ko, bigla akong mapapatigil. Parang mangiyak-ngiyak ako! Sana, nandito ang family ko! I think, yung loneliness, walang gamot."
Twenty-one si Joel nang ipakilala siya sa Oro, Plata, Mata noong 1982. Tinagurian siyang "the next Christopher de Leon" nang panahong yon dahil sa hawig niya rito at kakaibang karisma. "Boyet had his own career path," sabi ni Joel. "Iba yung nangyari sa akin. Hindi ako naging romantic matinee idol na gaya niya."
Sa unang pelikula ni Christopher, Tinimbang Ka Ngunit Kulang, 1974, agad siyang nakakuha ng acting award. "Hindi nangyari yung ganung kapalaran sa akin," sabi ni Joel. "It took me two years to get an acting award. I won best supporting actor in Karnal, 1994." Ang hindi malilimutang mga pelikula ni Joel ay Oro, Plata, Mata, Bayaning Third World at Batang West Side na kinunan sa New York.
Pinangungunahan ng Board Member na si Jojo V ang proyektong, "Visit Biliran 2001" lalo na ngayong Pasko, mas masigasig ang kanyang probinsiya na akitin ang mga Pinoy, lalo na ang mga foreigners para dalawin ang Biliran. "Di ba noong una, parang ang daming sumasalungat sa tourism plans ko? Puwes, iba na ngayon. Lahat sila, supportive na. Special thanks to Governor Roger Espina and his beautiful wife, Dr. Cecille Espina. Talagang ina-appreciate nilang lahat ang ginagawa ko ritong projects regarding health improvement and making Biliran a tourist attraction."
Sabi ko kay Jojo, may mga talent siyang nagtatampo na sa kanya, lagi siyang hinahanap. Medyo nabawasan na kasi ang kanilang karaketan. Kailangan kasi ang physical presence niya rito sa showbiz. Iba kasi yung nagma-manage na nasa malayong lugar kaysa nandito mismo kung nasaan ang aksyon.
"Bakit sila magtatampo?" tanong niyang parang nagtataka. "Eh halos araw-araw, tumatawag naman ako sa office. Kung ano ang kailangan nila, my staff provide it for them. Di ba, dapat, maging proud sila para sa akin dahil I am not only a manager but also a board member? Dapat siguro, unawain nila ako, intindihin. Karamihan naman sa kanila, may name na. Hindi sila mga baguhan na kailangang asikasuhing mabuti."
Kung dalawa nga lang sana ang katawan niya na ang isa ay inaasikaso ang mga mamamayan ng Biliran at ang isa naman ay naka-concentrate sa kanyang stable of stars, disin sanay walang problema. "Pero hanggang this year lang talaga yung pagiging busy ko sa tourism project," sabi ni Jojo. "After this long activity, puwede na akong umuwi ng Maynila weekly. Yon naman ang inaasahan ko, eh. Pag wala naman ako rito sa Biliran, people keep asking, "Nasaan si Board? Umalis ba si Board?" tsika niya.