Meet the Star Circle 10
October 27, 2001 | 12:00am
Hindi pa man umaarangkada ang mga career ng mga kabataang inilunsad ng ABS-CBN bilang bahagi ng Star Circle 9 ay eto na naman sila at nagpapakilala ng mga bagong mukha na may ilang panahon din nilang sinanay para maging bahagi ng Star Circle 10. Ilan sa mga ito ay nanggaling sa audition pero ang marami sa kanila ay mismong ang mga namamahala ng ABS-CBN Talent Center ang naka-diskubre sa maraming paraan at lugar.
Undoubtedly, pinaka-magaganda ang bumubuo ng pinaka-bagong batch. Hindi kataka-taka dahilan sa ang ilan sa kanila ay mga commercial models, marami ay produkto ng mixed marriages, isang magulang ay Pilipino at ang kalahati ay banyaga. Gaya ng 14 years old na si Bea Alonso na isang local town beauty at ang ama ay British. Si Nadine Eidloth ay isinilang sa Rosenheim, Germany at may edad na 13. Half-Czech, half-Filipino naman si Daniella Havran na kontrabida role agad ang sinabakan sa Eto Na Ang Susunod Na Kabanata. Based naman sa Canada si Kat Villarante na nag-decide na mag-artista dito sa kanyang native land. Nasa San Diego, California naman si Maoui David nang mag-pasya siyang pumunta ng Maynila para mag-artista. 14 years old lamang siya. Isa siya sa pinaka-magaling na singer ng Batch 10.
Hinuhulaang magiging flag carrier ng grupo sina Alfred Vargas, isang true-blue Atenista at miyembro ng Tanghalang Ateneo. Siya at si Marianne Savanno na naging kontrobersyal sa entertainment press dahilan sa umaming isang "tomboy", ang pinili ng nakakarami sa Batch 10 na magiging pinaka-sikat sa kanilang lahat. Naging finalist siya sa MTV Asias VJ hunt.
Produkto naman ng audition sina Diane Tejada, 18 at sophomore stude sa La Consolacion College; Abby Rivera, 19, nag-audition bilang isang dancer sa MTB at pinalad na makuha; Michelle Ayalde, 16, nag-audition para sa Ang TV; Marc Acueza, sumali sa personality at talent contest ng MTB at naging maswerte naman; Adrian at Clint Albert, parehong nag-audition para sa Star Circle 10.
Ang una ay nakapag-commercial modeling na at ang ikalawa ay isang ramp model.
Mga commercial models naman sina Craig Tuazon, madalas nasa gym at nagpapalaki ng katawan. Gustong makatapos ng accountancy at maging isang abogado.
Isang beterano naman sa commercial si Dennis Trillo na matagal nang nago-audition at nagpapa-VTR simula nung elementary pa siya.
Isang mahusay na dancer naman si Brian Martin. He can really sizzle on the dancefloor showing off modern jazz or groovy hip-hop grooves.
College graduate na si Paulo Maderal na may HRM degree mula sa De La Salle St. Benilde. Comedy ang gusto niyang sabakan.
Pamilyar na sa mga komersyal (Speed Detergent Bar, Del Monte, Ginebra San Miguel at Pancake House) si Reggie Curley, 23 years old at kasama na sa Yamashita movie ni Chito Roño.
Nakita sa mga komersyal ng BPI, Coca Cola, Moby at Pro-Mac si Aaron Concepcion, 18 years old.
Si Snooky Ann Sanchez ay nasa commercials ng Safeguard, Whisper, PLDT at Creamsilk. May edad siyang 18 taong gulang.
Bagaman at wala pang komersyal ang knife collector na si Lance Castillo, 18, nag-aaral ng philosophy sa UST, umaasam siya na makaganap ng role ng isang tulad ni James Bond sa hinaharap.
Bahagi naman ng isang cheering group si Liberty Lometillo, 16, na sumali sa isang competition sa MTB. Nanalo ng first prize ang kanyang group. Nakita siya ng isang talent agent at inamuking sumali sa Star Circle.
Pamilyar naman ang mga pangalan nina Robbie Mananquil at John C. Borjal sa mga katulad namin na nasa media.
Si Robby ay anak ng lifestyle editor ng kapatid naming dyaryo na Philippine Star. Isa ring manunulat ang kanyang ama. Graduate siya ng Fine Arts sa UP at mga trabaho niya yung mga paintings na naka-display sa Mangan Restaurant sa Glorietta. Twenty two years old na si Robbie at nakalabas na rin sa mga commercials.
Pamangkin naman si John ng isang columnist ng Philippine Star. Nasa ikatlong taon siya ng kursong mechanical engineering sa Mapua. Katulad ng numbers, mahusay din siya sa dancefloor. Twenty years old na siya.
Mapapansin na marami sa kanila ang mayroon ng tiwala sa kanilang mga sarili, hindi nahihiya na ipamalas sa lahat ang kanilang mga talino at sabihin kung ano ang kanilang nararamdaman at mga gusto.
Bagaman at marami sa kanila ang nag-aaral sa mga exclusive schools, humahanga sila sa mga local actors. Ilan sa mga paborito nila at gustong sundan ang mga yapak ay sina Nora Aunor, Vilma Santos, Maricel Soriano, Sharon Cuneta, Cesar Montano, Richard Gomez, Gloria Romero at Aga Muhlach.
Marami rin naman ang mga sumikat na nagmula sa Star Circle. Gaya nina Marvin Agustin, Rico Yan, Vanessa del Bianco, Patrick Garcia, John Lloyd Cruz, Janet McBride at marami pa.
Ngayong wala na ang Thats Entertainment na minamaneho ni German Moreno, naatang sa balikat ng ABS-CBN ang pagdidiskubre at paghahasa ng mga talino na magagamit hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa pelikula. Hindi lamang naman ang bansang Pilipinas ang umaasam sa mga kabataan na magangat ng bansa kundi maging ang local movie and TV industry na nangangailangan ng maraming talino para hindi yun at yun lang ang nakikitang mga mukha sa napakaraming programa na pinanonood sa TV at maging sa pelikula.
Katulad ng ginagawa ng Dos, ang pagdidiskubre ng talino ay isang walang katapusang proseso. Sapagkat hindi naman lahat ng nadiskubre ay nagkakapalad na sumikat.
Nasa mga kabataang ito ng Batch 10 ang pag-asa ng ABS-CBN, lalo na ng local showbusiness. Inaasahan na marami sa kanila ang makakarating sa stardom sa madaling hinaharap.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended