Hindi pa rin kasi makalimutan ni Lovely ang pagganap. Aniya, hindi na raw niya ito matatakasan dahil hinahanap ng kanyang katawan. Hindi na siya umaasa sa lead role, ang importante sa kanya ay may ginagawa siya at nagi-enjoy. Sa katunayan nga, may natapos na naman siyang pelikula at ito ay ang Hiyas...Sa Paraiso Ng Kasalanan ng Leo Films.
Very challenging ang role ni Lovely. Isa siyang mamasang sa pelikula. First time niyang gumanap sa naturang role at naloka siya dahil hindi niya inaasahan na ganoon ka-wild ang mga artistang babae na nagpapa-sexy ngayon. May mga eksena kasi na kailangang tingnan niya ang kabuuan ng mga babaeng pumapasok sa casa. Ginawa yun ni Lovely at nagulat siya kay Via Veloso nang makita ang hubad na katawan ng dalaga. Gustung-gusto niya ang kanyang role at ipinamalas na naman niya ang kanyang galing sa pagganap. Puwedeng-puwede nga siyang ihanay sa kalibre nina Janice de Belen, Dina Bonnevie at Maricel Soriano sa larangan ng pagganap. (Ulat ni Rodel Fernando)