Bakit palaging tsugi sa Uno?
October 25, 2001 | 12:00am
Dalawang linggo pa lang si Onemig Bondoc sa programang Alas Singko Y Medya ng ABS-CBN, pero tsugi na siya bilang isa sa mga hosts nito.
Marami nga ang nagtatanong kung ano ang nangyari gayong maganda naman ang kanyang performance. Ang sabi-sabi naman, ito raw ay dala ng cost-cutting ng management.
Kung matatandaan nga, una nang natsugi si Onemig sa programang ASAP. Inilagay siya sa programang Oka Tokat pero hindi rin siya nagtagal bilang mainstay. At ang pinaka-the height nga ay itong nangyari sa kanya sa ASYM.
Nagkakaisang katanungan nang lahat, ano nga ba ang plano ng ABS-CBN kay Onemig? Ano nga raw ba ang nararamdaman ni Onemig sa tila kamalasang nangyayari sa kanyang TV career?
"Well, thats life. Masakit man, pero yan ang buhay," sambit naman agad ng guwapong aktor.
"I even asked myself why, pero natutunan ko na rin tanggapin lahat kung ano lang ang ibigay sa akin. And I guess, hindi na ako dapat pang maghangad ng kung ano pa man, basta masaya ako.
"Hindi rin naman siguro maganda na mag-isip ako nang mag-isip kung bakit dahil wala ring mangyayari. I mean, kesa naman lunurin ko ang sarili ko sa pag-iisip, hindi rin makakatulong," malalim na tugon pa niya.
Ang sabi-sabi, nagsisisi na raw si Onemig kung bakit tumalon pa siya ng ABS-CBN from GMA 7?
"No. Wala pa ring regrets sa akin. Kung anuman ang naging desisyon ko, paninindigan ko pa rin yon. Gusto ko pa ring patunayan sa aking sarili at sa lahat na hindi ako nagkamali.
"Alam ko namang marami pa ring plano sa akin ang Dos. Hindi rin naman ako nagmamadali at willing akong maghintay," sabi pa niya.
Sa pagkakataong ito, pinabulaanan naman ni Onemig ang pagkakaugnay niya kay Bunny Paras. Hindi raw niya ito personal na kilala at never daw silang lumabas together. (Ulat ni Robert Perez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am