Piolo, mas type mag-alaga ng halaman at magbantay ng aso kaysa lumabas ng bahay

Madaling makakaipon si Piolo Pascual dahil hindi siya yong tipong mahilig sa gastos. Kapag walang syuting o taping ay nasa bahay lang ang aktor at mas gugustuhin pang mamahinga na lang o kaya’y laruin ang kanyang pamangkin.

Nakakapag-relax din si Piolo sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halaman at pag-aalaga sa kanyang Dalmatian. Katwiran pa rin niya na kapag lumabas siya ng bahay ay napapagod lang siya at nagkakagastos pa.

Hindi pa rin niya inaamin na may relasyon sila ni Judy Ann Santos dahil malapit na magkaibigan ang turingan nila sa isa’t-isa. Ayon sa aktor, kapag nagkaroon siya ng nobya ay aaminin niya ito at baka ito na ang babaeng pakakasalan niya.
Ginastusan ang unang taon ng ‘Lunchbreak’
Napanood ko ang taping ng anibersaryo ng Lunchbreak sa AFP Theater sa Camp Aguinaldo at talagang ginastusan ng MMG Entertainment ang bonggang palabas na napapanood sa linggong ito.

Kung tutuusin, minamaliit noon ang programa kumpara sa ibang noontime shows pero lately ay naging paboritong panoorin ito dahil masang-masa ang dating. Maganda ang kumbinasyon ng mga hosts na sina Leonard Obal, Earl Ignacio, Joy Viado, Dang Cruz at ang nanalong New Female TV Personality na si Yam Ledesma. Co-hosts naman sina Isa Marquez, Hanna Villame at ang wonder boy ngayon na si Tian-Tian Perez at ang magaling na singer na si Natassia Nave. Mahusay din ang direktor na si JR Ledesma.

Star-studded ang programa na balitang ginastusan ng 3-M ng prodyuser na sina Evelyn at Engr. Ervin Mateo.
Thea at Tian-Tian, gumagawa ng pangalan
May potensyal ang magapatid na Thea at Tian-Tian Perez na nagmula sa Ledesma clan. May segment sila sa Lunchbreak na pambata. Wonder boy ang bansag sa child actor dahil sa murang edad nito ay bibo na at lumalabas na rin sa mga pelikula ng MMG Films gayundin si Thea. Kasama sila sa launching movie ni Patrick Ervie na pinamagtang Okey Lang.
Walang problema kay LJ na maging kontrabida
Isang fashionable na puno ng kaplastikan ang papel na gagampanan ni LJ Moreno sa Ikaw Lang Ang Mamahalin. Challenging sa kanya ang maging kontrabida. "Sabi nga ng manager ko (Douglas Quijano) ay payag siyang maging bida-kontrabida ako. Kahit nga si Richard Gomez ay naging bida-kontrabida din at nanalo pa ng award. Okey lang sa akin ang maging kontrabida ni Angelika dela Cruz," ani LJ.

Nakausap namin ang isang GMA executive at sinabi nito ang mga dahilan kung bakit si LJ ang kinuha nila para maging kontrabida sa soap opera. "Wala siyang attitude problem, isa siyang real trouper at maganda ang relasyon niya sa lahat ng production staff. Minsan ay nagkaroon sila ng taping ni Jake Roxas para sa GMA Love Stories. Dumaan ang motorsiklo ni Jake at nabangga si LJ. Kailangan siyang dalhin sa ospital kung saan tinahe ang braso (8 stiches). Gusto naming i-pack-up ang syuting pero bumalik pa ito matapos matahi ang braso. Kaya natapos din ang taping," paliwanag ni Lilibeth.
Blind Item :"Halinghing Queen"
Nataypan ang sexy actress ng guwapo niyang leading man habang nagsusyuting sila. Kaya nang matapos ang kanilang eksena ay itinuloy ng dalawa ang kanilang romansa sa cottage na tinutuluyan ng seksing aktres.

Pero hindi akalain ng bold actor na grabe kung humalinghing ang seksing aktres habang nagroromansa sila. Mabuti na lang at malayu-layo ang pagitan ng cottage na tinutuluyan ng ibang artista dahil kung magkakalapit ang mga ito ay talagang maririnig ang halinghing ng aktres na nakipag-one-night stand sa machong aktor.

Freelancer na ang seksing aktres na dating alaga ng major company.

Show comments